Pag-aralan
Paano ko mailalarawan ang aking negosyo?
-
Basahin:Ngayon, gagawa tayo ng ating mga business presentation. Kapag inilalarawan natin ang ating negosyo sa iba, mayroon tayong malalaman tungkol sa ating negosyo na makakatulong para mapagbuti natin ito. Kung may mga ideya tayo sa oras o pagkatapos ng mga presentation, isulat ito sa ating mga business notebook.
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko ipapaliwanag ang aking negosyo sa iba?
GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Ako ay hihingi ng mga ideya sa iba para malaman kung paano ko mapapalago ang aking negosyo.
-
Oras:Sa bawat presenter, i-set ang timer nang tatlong minuto. Ipaalam sa presenter kapag isang minuto na lang ang natitira.
-
Basahin:Magkakaroon na tayo ngayon ng unang presentation. Sino ang gustong mauna? Tandaan na mayroon kayong tatlong minuto para mag-present at dalawang minuto para sa talakayan.
-
Basahin:Sundin ang mga instruksiyon sa kasunod na pahina.
ANG AKING NEGOSYO SA LOOB NG TATLONG MINUTO—MGA INSTRUKSIYON
Part 1
Sa loob ng isang minuto, ilarawan ang iyong negosyo.
Part 2
Sa loob ng isang minuto, ilarawan kung paano lalong bumuti ang negosyo mo sa pagsagot ng isa sa mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang gustong bilhin ng mga tao?
2. Paano ako magbebenta?
3. Paano ko kokontrolin ang mga gastos?
4. Paano ko maitataas ang kita o tubo?
5. Paano ko patatakbuhin ang aking negosyo?
Part 3
Sa loob ng isang minuto, ilarawan ang isang bagay na gagawin mo para patuloy na mapagbuti ang iyong negosyo.
-
Oras:Ngayon, i-set ang oras nang dalawang minuto para sa talakayan.
-
Talakayin:Magtanong sa isa’t isa. Magpayuhan. Tulungang pagbutihin ang negosyo ng group member na ito.
-
Basahin:Ngayon, ulitin ang ang mga hakbang na ito para sa bawat group member hanggang ang lahat ay makapag-present na.
Ano ang natutuhan ko?
-
Talakayin:Ang mga matagumpay na mga may-ari ng negosyo ay patuloy na nag-aaral. Ano ang natutuhan mo sa ibang mga group member na makakatulong sa pagpapabuti ng negosyo mo?
-
Basahin:Sa susunod na anim na miting, matututuhan natin kung paano palaguin ang ating mga negosyo. Sa susunod na miting natin, magdadala tayo ng business income and expense logs at ng business income statements mula sa huling dalawang linggo.
Kung hindi pa tayo nakakapagsimula ng negosyo, tutulungan natin ang iba sa kanilang mga income and expense logs at business income statement. Ito ay magandang praktis para sa atin.
-
Panoorin:Panoorin kung paano pinagbuti ni Felix ang kanyang negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng self-reliance. Panoorin ang “Felix: Mga Parte ng Refrigeration.” (Walang video? Magpatuloy lang.)
Nagiging mas self-reliant na ba ako?
-
Basahin:Ang ating mithiin ay maging self-reliant, sa temporal at espirituwal. Ang gawing matagumpay ang mga negosyo natin ay isang bahagi lang ng mithiing iyon.
-
Talakayin:Ano ang mga nakita mong pagbabago sa buhay mo nang isagawa at ituro mo ang mga alituntunin sa My Foundation?
-
Praktis:
Buksan ang iyong booklet na My Path to Self-Reliance sa blankong self-reliance assessment (nasa likuran). Kumpletuhin ang mga step.
Kapag tapos ka na, pag-isipang mabuti sa loob ng tatlong minuto ang sumusunod:
Mas nakikita mo na ba ngayon ang mga gastusin mo? Masasagot mo na ba ng “madalas” o “palagi” ang karamihan sa mga tanong na ito? Mas sigurado ka na ba na ang halagang itinakda mo ay self-reliant na kita na? Malapit ka na bang magkaroon ng self-reliant na kita? Ano ang magagawa mo para umunlad?