Mga Resources Bisikleta o mga Manok? Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod. NAOMI: Hi, Maria. Kumusta ang negosyo mo? Umaasenso ba? MARIA: Okey naman, pero sobrang nakakapagod. Nagtatrabaho ako nang mabuti, pero hindi sapat ang kinikita ko. NAOMI: Sa tingin ko kailangan mo ng mas maraming produktibong mga asset. MARIA: Ano ang produktibong mga asset? NAOMI: Mga bagay na makakatulong sa iyong negosyo na kumita nang mas malaki. MARIA: Oy, gusto ko iyan. Gusto ko ng mas maraming produktibong mga asset … pero sandali; wala yata akong ganoon ngayon. NAOMI: Siguradong mayroon ka. Ang mga manok mo ay produktibong mga asset. Mas kikita ka ba nang malaki kung mayroon kang mas maraming manok? MARIA: Oo, mas kikita ako. Dapat akong kumuha ng mas maraming manok. NAOMI: Ano pa kaya ang magpapadali sa iyo sa pagnenegosyo? MARIA: Maganda sigurong magkaroon ng bisikleta para mag-deliver ng mga itlog at para makapagdala ng mga pakain sa manok. Napapagod ako sa kakalakad. NAOMI: Siguro ay dapat kang bumili ng bisikleta. Mas kikita ka ba nang malaki kung may bisikleta ka? MARIA: Oo, kung may bisikleta ako, mas mabilis akong makakapag-deliver. Mas marami akong oras para magbenta. Pero dapat ba akong bumili ng bisikleta o mas maraming manok? NAOMI: Ano ba ang dapat mong unahin para sa negosyo mo ngayon? Bisikleta o mas maraming manok? MARIA: Hindi ko alam. Paano ba ako magdedesisyon? Bumalik sa pahina 100 Mag-ingat sa mga Fixed Cost Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod: MARIA: Naomi, sa tingin ko ay makapagpapalaki ng kita ng negosyo ko ang produktibong mga asset. Pero nag-aalala ako sa mga gastusin. NAOMI: Tama iyan, Maria, dapat ay lagi mong pipiliting mapababa ang mga gastusin. MARIA: Paano ko malalaman kung ano ang mga gastusin ko? Pabagu-bago ito! NAOMI: Una, kailangan mong paghiwalayin ang iyong fixed at variable na mga gastusin. MARIA: Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga iyan. NAOMI: Hayaan mong ipaliwanag ko sa paraang ito. Kilala mo ba si Daniel? MARIA: Ang lalaking nagbebenta ng mga furniture? NAOMI: Oo. Kapag gumagawa si Daniel ng isang upuan para ibenta, sa tingin mo ba ay binabayaran niya ang kaniyang supplier para sa kahoy na ginagamit niya para dito? MARIA: Oo. NAOMI: Tama iyan. Gusto ni Daniel na may umorder muna bago siya bumili ng kahoy. Kapag nakabenta si Daniel ng isang upuan ngayong buwan, binabayaran lang niya ang kahoy na para sa isang upuan. Kung siya ay nakabenta ng sampung upuan sa susunod na buwan, magbabayad siya para sa kahoy na katumbas ng sampung upuan. MARIA: Pero okey lang iyon, dahil sampung upuan naman ang naibenta niya. NAOMI: Eksakto. Ang gastos ni Daniel para sa kahoy ay isang variable na gastusin. Tumataas ito o bumababa depende kung gaano karami ang ibinibenta niya. Ngayon, si Daniel ay nagbabayad ng renta para sa kanyang shop. Sabihin nating ang renta ay 1000 kada buwan. Magkano ang renta na babayaran niya kung magbebenta siya ng sampung upuan? MARIA: Siyempre, 1000. NAOMI: Magkano ang babayaran niya kung isang upuan lang ang mabebenta niya. MARIA: 1000 pa din. Hindi ito nagbabago. NAOMI: Tama iyan. Ang renta ni Daniel ay fixed na gastusin. Hindi mahalaga kung gaano karami o kaunti ang naibebenta niya. Magbabayad pa rin siya. MARIA: Ay, parang di ko yata gusto ang mga fixed na gastusin. NAOMI: Kailangan lang nating maging maingat sa mga fixed na gastusin. Makakatulong ito kung mga produktibong asset ito. MARIA: At sapat ang naibebenta para mabayaran ito. NAOMI: Tama iyan! MARIA: Naomi, matutulungan mo ba akong malaman kung alin sa mga gastusin ko ang fixed at alin ang variable? Bumalik sa pahina 104 Mga Tala Gumawa ng Tala