Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Magagawa Natin Ito!

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod:

MARIA: Wow, epektibo talaga ito! Sa wakas, nalaman ko rin kung paano.

ASAWA NI MARIA, DIEGO: Ano ang sinasabi mo? Ano iyong epektibo?

MARIA: Akmang-akma ang lahat. Labindalawang linggo ang nakakaraan, noong nagsimula tayong pumunta sa self-reliance group natin, wala akong ideya kung paano ito makakapagpabuti sa ating negosyo. Ang mga pangako na tinutupad natin, ang mga bagay na natutuhan natin sa self-reliance group—ang lahat ng ito ay may saysay!

DIEGO: Oo, iyan din ang napansin ko sa self-reliance group ko na My Job Search. Mayroon na akong magandang trabaho sa ospital. Dahil sa kita ko mula sa aking trabaho at sa tinda mong itlog, matutustusan na natin nang mas maayos ang ating pamilya. Akmang-akma ang lahat.

MARIA: Diego, hindi lang sa akin ang negosyo. Negosyo natin ito. Salamat sa pagtatrabaho mo nang mabuti at pagtulong sa ating negosyo.

DIEGO: Ito rin ay negosyo ng Panginoon. Inilaan natin sa Kanya ang ating pagsisikap sa negosyo, nanampalataya tayo sa Tagapagligtas, at ipinagdasal ang ating negosyo.

MARIA: Kailangan nating imonitor nang mabuti ang ating negosyo. Nakipag-usap tayo sa mga kustomer at sa ibang may-ari ng negosyo para malaman kung ano ang gusto ng mga tao. Natatandaan mo? Napagtanto natin na dapat tayong magbenta ng gatas maliban pa sa itlog.

DIEGO: Oo, at kinonsidera din natin kung saan tayo kumukuha ng mga itlog at gatas. Nagdesisyon tayo na hindi magandang ideya na bumili ng kambing para gatasan. Mas magandang bumili ng sariwang gatas mula kay Pedro, na marami nang mga kambing.

MARIA: Tapos ay natutuhan natin kung paano magkapera bawat araw. Inirerekord at mino-monitor ko ang lahat ng ating ginagastos at kung magkano ang ibinabayad sa atin ng mga tao. Mas malaki ang ating kita simula noong mag-deliver tayo sa mga bahay.

DIEGO: At inirerekord at minomonitor ko rin kung magkano ang ating ginagastos at kung magkano ang kinikita natin para sa ating pamilya. Kaya na nating bumili ngayon ng mga school supplies para sa mga bata.

MARIA: Tinulungan tayo ni Naomi na malaman kung paano makakapagbenta nang mas marami. Sinimulan nating tanungin ang mga kustomer, pinakinggan sila, at binigyan ng mga mungkahi. Hinimok natin ang mga kustomer na bumili ng mas maraming itlog at bumili ng gatas. Isang napakagandang ideya na magpa-deliver kay Sophia sa mga bahay. Nakilala natin nang mas mabuti ang ating mga kustomer at naging kaibigan natin ang marami sa kanila.

DIEGO: At dahil sa ating mga bagong kustomer, nangailangan tayo ng mas maraming itlog bawat araw, at natuto tayong humiram ng pera para makabili ng mas maraming manok. Masaya ako na hindi natin kinuha iyong unang loan. Hindi natin makakayanang mabayaran ito. Maliit na loan lang ang kailangan natin para ipambili ng mas maraming manok.

MARIA: Kita mo?! Akmang-akma ang lahat. Ang kailangan na lang natin ay patuloy na maghanap ng mga paraan na mabawasan ang ating mga gastos at mapalaki ang benta natin.

DIEGO: Oo nga. Magagawa natin ito!

Bumalik sa pahina 194

Ang Aking Negosyo sa loob ng Limang Minuto

Babasahin ng facilitator ang sumusunod habang sinusundan ito ng ibang group member sa pahina 187.

MARIA: Medyo kinakabahan akong mag-present, pero kilala ko naman na kayong lahat. Mawawala rin ang kaba ko. Part 1—Ilalarawan ko ang aking negosyo. Ang aking negosyo ay pagbebenta ng mga itlog at gatas. Sa umpisa, itlog lang ang tinda ko. Nagdagdag ako ng gatas dahil nalaman kong gusto iyon ng mga kustomer ko. Nagdedeliver na rin ako ngayon sa mga bahay-bahay. Mas gumanda ang takbo ng negosyo ko simula nang pumunta ako sa self-reliance group na ito.

MARIA: Ang part 2 ay tungkol sa mga tanong para sa linggong ito. Lahat ng tanong ay nakatulong sa akin. Pero kung papipiliin ako ng isa, ang tanong na talagang nagpabuti sa aking negosyo ay ang paghihiwalay ng pera ng aking negosyo at ng aking pamilya. Bago iyon, ang perang kinita ko sa negosyo ay nahahalo sa aking personal na pera at nagagastos ito. Hindi iyon maganda. Pinaghihiwalay ko na ang mga ito ngayon.

MARIA: Part 3—mga financial record at mga impok na pera. Nakapag-impok ako ng pera nang 9 na linggo sa loob ng 12 linggo. Nagpanatili ako ng mga financial record para sa aking negosyo nang tuloy-tuloy nitong nakaraang 8 linggo. Ginawa ko rin iyan sa aking mga personal record. Plano kong ituloy ang pagrerekord. Gusto ko talagang malaman kung magkano ang kinikita at ginagastos ko. Napakasaya ko dahil nakapag-impok ako ng pera. Hindi pa ako nagkaroon niyan dati. Nakakapanatag ng loob na may impok ako.

MARIA: Okey, punta na tayo sa part 4—patuloy na pagbutihin ang aking negosyo. Napakarami kong natutuhan sa nakaraang 12 linggo. Gusto kong matuto pa. Sasali ako sa aming stake business owners’ group.

MARIA: Ang huli naman. Ang part 5 ay ang business goal. Sa isang taon, gusto kong magkaroon ng sapat na cash flow ang negosyo ko para makayanan kong umupa ng lugar sa palengke na may pinakamaraming mamimili. Makakatulong iyon na mas mapalago ang aking negosyo.

Salamat sa lahat. Natulungan talaga ninyo ako na pagbutihin ang aking negosyo!

Bumalik sa pahina 197

Mga Tala