Pag-aralan
Paano ko parehong matutulungan ang aking negosyo at ang aking pamilya?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.
-
Basahin:Dapat ay nasimulan na nating magrekord ng mga perang pumapasok at lumalabas sa ating negosyo. Nakakatulong iyan! Pero ano ang mangyayari kung kailangan natin ng pera para sa personal na pangagailangan natin o ng ating pamilya?
-
Panoorin:“Huwag Patayin ang mga Manok: Part I” (Walang video? Basahin sa pahina 82.)
-
Talakayin:Gusto ng kapatid ni Maria na bigyan siya ng perang galing sa negosyo ni Maria. Gusto din namang tumulong ni Maria. Pero makakasama ito o baka makasira pa sa kanyang negosyo. Bukod pa diyan, nagsisikap siya sa negosyo para maging self-reliant siya. Ano ang dapat gawin ni Maria?
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko paghihiwalayin ang pera ng aking negosyo at ng aking pamilya?
MGA GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Ako ay gagawa ng hiwalay na account at daily records ng pera sa negosyo at pera ng pamilya, at susuwelduhan ko ang aking sarili.
Sa miting na ito, mag-aaral tayo ng mga kasanayan para matulungan tayong sagutin ang tanong na ito at maisagawa ang mga gawaing ito.
At, sa loob ng linggong ito, gagawa tayo ng mga hakbang para mapaghiwalay ang finances o pananalapi ng negosyo at pamilya. Ito ay magiging isang malaking biyaya para sa atin at sa ating mga pamilya! Basahin natin ang section na Business Success sa Business Success Map.
Bakit dapat kong paghiwalayin ang pera ng negosyo at pera ng pamilya?
-
Panoorin:“Huwag Patayin ang mga Manok: Part II” (Walang video? Basahin sa pahina 83.)
-
Talakayin:Mula sa mga natutuhan mo sa video na ito, bakit mahalaga na paghiwalayin ang pera ng negosyo at personal na pera at suwelduhan ang iyong sarili?
-
Basahin:Ang isang may-ari ng negosyo ay parehong employer at empleyado. Maaaring pagmulan ito ng magagandang tanong.
Alam natin na maraming biyaya ang darating kapag nagbayad tayo ng ikapu mula sa ating kinita. Kung paghihiwalayin natin ang pera ng negosyo at ang personal na pera, mas madali ang pagkalkula sa ating ikapu.
Tandaan ang mga hakbang na ito:
-
Paghiwalayin ng account o paglalagyan ang pera sa negosyo at ang personal na pera.
-
Tayo ay nagbabayad ng ikapu mula sa ating personal na kita (suweldo o komisyon) na sinusuweldo natin mula sa negosyo.
-
Ang pera sa negosyo ay hindi kinukuhanan ng ikapu. Ang pera sa negosyo ay ginagamit para ipambayad ng mga gastusin sa negosyo, suweldo, at pagpapalago nito.
-
-
Talakayin:Paano kung kailangan ng mga kaibigan o kapamilya ng pera, tulad ng kapatid ni Maria?
Ang isa sa grupo ay magbabasa o magbubuod ng talinghaga tungkol sa sampung dalaga mula sa Mateo 25:1–13. May mga pagkakataon ka ba na hindi natin kaya o hindi tayo dapat magbigay sa isang tao na humihingi sa atin ng tulong?
-
Panoorin:“Huwag Patayin ang mga Manok: Part III” (Walang video? Basahin sa pahina 84.)
-
Talakayin:Tama ba ang ginawa ni Maria?
-
Basahin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay hindi kumukuha ng pera mula sa kanilang negosyo.
Paano ako makakapagrekord nang hiwalay?
-
Basahin:Paano natin maihihiwalay ang pera ng negosyo mula sa personal na pera? Magrekord tayo nang hiwalay! Si Maria ay araw-araw na nagrerekord ng lahat ng perang pumapasok at lumalabas sa kanyang negosyo. Inirerekord din niya araw-araw ang lahat ng pera na pumapasok at lumalabas sa kanyang pamilya. Ang mga rekord na ito ay tinatawag na “income and expense logs.” Siya ay may dalawang magkahiwalay na log—isa para sa negosyo at isa para sa personal na pera.
Kadalasang gusto ng mga lender na makita ang business income and expense log bago sila magbigay ng loan. Ang maingat na pagrerekord ay makakatulong sa atin na mas maging handa sakaling magdesisyon tayo na humiram ng pera para palaguin ang ating mga negosyo.
-
Praktis:Tingnan ang halimbawa ng business income and expense log ni Maria. Pansinin na noong Agosto 16 (ang araw na humingi ng pera ang kapatid ni Maria), mayroong 3200 sa bank account ng negosyo ni Maria.
Ang BUSINESS Income and Expense Log ni Maria: Agosto 14–20
Petsa
Deskripsyon
Ginastos
Kita
Cash Balance
Ang cash balance ng negosyo ni Maria
2600
Agosto 14
Nabiling mga Feed
-300
2300
Agosto 15
Benta ng Itlog
500
2800
Agosto 16
Benta ng Itlog
400
3200
Agosto 17
Suweldo ni Maria
-3000
200
Agosto 18
Benta ng Itlog
600
800
Agosto 19
Nabiling mga Feed
-600
200
Agosto 20
Benta ng Itlog
700
900
Ang PERSONAL Income and Expense Log ni Maria: Agosto 14–20
Petsa
Deskripsyon
Ginastos
Kita
Cash Balance
Ang personal na cash balance ni Maria
600
Agosto 14
Pagkain
-100
500
Agosto 15
Pananamit
-200
300
Agosto 16
Pamasahe sa Bus
-200
100
Agosto 17
Suweldo
3000
3100
Agosto 17
Ikapu
-300
2800
Agosto 19
Pagkain
-1500
1300
Agosto 20
Upa
-600
700
-
Talakayin:Ano kaya ang mangyayari sa pera ng negosyo ni Maria kung kinuha niya dito ang hinihinging 1000 ng kapatid niya? Magagawa kaya niyang suwelduhan ang sarili niya ng 3000 sa susunod na araw?
Dapat bang ma-guilty si Maria dahil hindi niya ginamit ang pera ng negosyo sa isang kapamilyang nangangailangan?
Tingnan pareho ang business and personal log ni Maria at hanapin ang mga linya na nagpapakita ng kanyang suweldo. Nakikita mo ba na ang suweldo niya ay isang gastusin ng negosyo at kita sa kanyang personal na pera?
-
Basahin:Tulad ng natutuhan natin kanina, tama si Maria nang magbayad siya ng ikapu mula sa kanyang personal na kita.
Paano ko ihihiwalay ang aking pera?
-
Basahin:Isagawa natin ang paghihiwalay ng pera ng negosyo at personal na pera. Para sa sumusunod na mga halimbawa, isipin kunwari na mayroon kang water business.
-
Panoorin:“Ang Iyong Water Business” (Walang video? Magpatuloy lang.)
-
Praktis:Sundin ang limang hakbang na ito, at gamitin ang mga form sa susunod na pahina para mapaghiwalay ang pera ng iyong negosyo at ang iyong personal na pera.
-
Tingnan ang kita at gastusin na personal at pangnegosyo para sa bawat araw ng linggo.
-
Irekord ang perang pangnegosyo sa iyong business income and expense log.
-
Irekord ang personal mong pera sa iyong personal income and expense log.
-
Gumawa ng business income statement mula sa mga impormasyon sa iyong business log.
-
Gumawa ng personal income statement mula sa mga impormasyon sa iyong personal log.
I-tsek ang iyong ginawa gamit ang mga answer key sa pahina 85.
-
-
Talakayin:Ano ang natutuhan mo sa aktibidad na ito? Kung nagkamali ka, naiintindihan mo ba kung bakit? Ang mga nakaintindi ay maaaring tulungan ang mga nalilito.
-
Basahin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay araw-araw na nagrerekord at ginagamit ang mga ito para makapagpasiya nang matalino sa negosyo.
Kahit hindi mahilig magpanatili ng mga rekord si Maria, ginagawan pa rin niya ng magkahiwalay na rekord ang pera ng negosyo at personal na pera rin bawat araw. Ito ay matalinong paraan sa pagnenegosyo!
At alam din niya na sakaling kailanganin niya ng business loan, maaaring hanapan siya ng mga lender ng daily record.
-
Panoorin:Panoorin kung paano pinagbuti ni Daniel ang kanyang negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng self-reliance, kabilang na ang record keeping o pagrerekord. Panoorin ang success story na “Daniel & Christiana: General Store.” (Walang video? Lumipat sa susunod na pahina.)
-
Basahin:Natutuhan natin ngayon ang ilang mahalagang kasanayan na makakatulong sa atin na magtagumpay. Pagsikapan natin ngayong linggo na makagawian ang mga kasanayang ito. Paghiwalayin natin ang mga account at daily record!
-
Talakayin:Sino o ano ang naagpapahirap sa iyo para gumawa ng magkahiwalay na mga rekord kada araw? Maaari kang magplano para mapadali ang paggawa nito. Maaari mong gawin ito sa parehong oras bawat araw. Maaari mong ilagay ang mga rekord sa isang partikular na lugar. Maaari kang gumawa ng mga reminder para sa iyong sarili. Isulat ang iyong plano sa ibaba.
Paano ko maipipresenta ang aking negosyo?
-
Basahin:Sa susunod na linggo, gagawa tayo ng mga presentation sa grupo natin tungkol sa ating mga negosyo. Gusto nating mailarawan sa iba ang ating mga negosyo. Gusto nating makarinig ng mga mungkahi tungkol sa ating mga negosyo.
-
Basahin:Sundin ang mga instruksiyong ito o mag-present sa paraan na komportable para sa iyo.
ANG AKING NEGOSYO SA LOOB NG TATLONG MINUTO—MGA INSTRUKSIYON
Bahagi 1
Sa loob ng isang minuto, ilarawan ang iyong negosyo.
Bahagi 2
Sa loob ng isang minuto, ilarawan kung paano lalong bumuti ang negosyo mo sa pagsagot ng isa sa mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang gustong bilhin ng mga tao?
2. Paano ako magbebenta?
3. Paano ko makokontrol ang mga gastusin?
4. Paano ko maitataas ang kita o tubo?
5. Paano ko patatakbuhin ang aking negosyo?
Bahagi 3
Sa loob ng isang minuto, ilarawan ang isang bagay na gagawin mo para patuloy na mapagbuti ang iyong negosyo.
-
Basahin:Sa buong linggo, pag-isipan mo kung ano ang gusto mong ibahagi. Ilarawan sa iyong business notebook ang iyong negosyo. Kung nais mo, magpraktis sa pagbibigay ng presentation sa iyong pamilya o mga kaibigan. Dumating na handang ibahagi ang iyong mga business presentation.