Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-orange

Ano ang makakatulong sa aking negosyo para kumita nang mas malaki?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Panoorin:“Bisikleta o mga Manok?” (Walang video? (Tingnan ang skrip sa pahina 108.)

Basahin:Ang asset ay isang bagay na mayroon ang isang negosyo na kapaki-pakinabang. Maaari kang bumili o magbenta ng mga asset. Halimbawa, maaaring bumili si Maria ng upuan para gamitin habang nagbebenta ng mga itlog at maaari siyang magbenta ng manok. Ito ay mga asset.

Ang isang produktibong asset ay kumikita para sa isang negosyo. Ang mga manok ni Maria ay mga produktibong asset dahil ang mga ito ang nagpo-produce ng mga itlog, na ibinibenta ni Maria para magkapera. Ang upuan ay isang asset, pero hindi ito produktibong asset. Hindi ito kumikita.

Talakayin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay gumagamit ng mga produktibong asset para palaguin ang kanilang negosyo. Paano magiging produktibong asset ang sewing machine o bisikleta?

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay gumagamit ng mga produktibong asset para palaguin ang kanilang negosyo.

Praktis:Pumili ng partner. Ilista ang mga produktibong asset na mayroon na ang negosyo mo:

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko magagamit ang mga produktibong asset para palaguin ang negosyo ko?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Tutukuyin ko ang mga asset na mayroon ako at aalamin kung paano sila gagawing mas produktibo. Tutukuyin at uunahin ko ang ibang mga asset na kailangan ko.

Paano ko gagawing mas produktibo ang mga asset ko?

Basahin:Basahin ang banal na kasulatan sa kanan. Dapat nating gamitin nang matalino ang mga asset. Inaalagaan natin ang ating mga asset para maging lalo pang produktibo ang mga ito.

Talakayin:Ano ang maaaring mangyari sa negosyo ni Maria kung hindi niya aalagaan nang mabuti ang kanyang mga produktibong asset (mga manok niya)?

Praktis:Ngayon, tingnan ang mga business asset na ito. Alin sa mga sumusunod na asset ang kasalukuyang produktibo?

sewing machine

SEWING MACHINE

Maraming tinatahing damit si Gloria ngayon.

bisikleta

SIRANG BISIKLETA

Umaasa si David na makukumpuni niya ang kanyang bisikleta at magamit ito kaagad.

manok

INAHIN NA HINDI NANGINGITLOG

Hinihintay na makita ni Maria kung nagsisimula nang mangitlog ang kanyang inahin.

Basahin:Hangga’t maaari, kailangan nating gamitin ang ating mga asset nang produktibo. Basahin ang sumusunod na halimbawa ng isang matalinong katiwala.

Talakayin:Paano naging matalinong katiwala si Gloria sa paggamit ng kanyang produktibong asset? Paano ninyo magagawang mas produktibo ang inyong mga asset?

Paano ako magkakaroon ng mas maraming produktibong asset?

Praktis:Isipin ang mga asset na maaari mong makuha na makakatulong sa pagpapalago ng iyong negosyo. Ilista ang mga ito sa ibaba.

URI NG MGA ASSET

MGA ASSET NA MAYROON AKO

MGA BAGONG ASSET NA MAAARING MAGPALAGO NG AKING NEGOSYO

Tool/ Makina

Sasakyan

Gusali

Alagang hayop

Iba Pa

Praktis:Bumuo ng isang grupo kasama pa ang dalawang tao. Talakayin kung bakit makakatulong ang mga asset na ito na mapalago ang negosyo mo.

Praktis:Paano ka makakakuha ng mga asset na inilista mo sa naunang pahina? Nakalista sa ibaba ang mga paraan ng pagkuha ng mga negosyante ng mga bagong asset. Bumuo ng mga grupo na may tig-tatatlong miyembro, at talakayin ang mga advantage at disadvantage ng bawat opsyon. Ilista ang mga ito sa ibaba.

MGA PARAAN PARA MAKAKUHA NG MGA ASSET

MGA ADVANTAGE

MGA DISADVANTAGE

Mag-impok para makabili ng asset

Kumuha ng isang partner na mayroong asset

Umarkila ng asset

Humiram ng asset

Kumuha ng loan para makabili ng asset

Iba Pa

Praktis:Ngayon, talakayin sa grupo mo ang mga sumusunod:

Aling asset ang magiging pinakakapaki-pakinabang para sa negosyo mo ngayon? Magkano ang maidadagdag nito sa kita mo? Gaano kadali itong makuha? Ano ang ilan sa mga paraan na magagawa mo para makapagbayad ng bagong asset?

Panoorin:Panoorin ang success story na “Susy: Private School Bus” para makita kung paano pinagbuti ni Susy ang kanyang negosyo at kung paano siya nagplanong makakuha ng produktibong asset. (Walang video? Lumipat sa kasunod na pahina.)

Paano ko mamo-monitor ang mga gastusin?

Basahin:Ang mga produktibong asset ay makakatulong sa mga negosyo na kumita. Para mapalago ang mga negosyo, kailangan din nating i-monitor ang mga gastos. Pero hindi pare-pareho ang mga gastusin!

Panoorin:“Mag-ingat sa mga Fixed Cost” (Walang video? Basahin sa pahina 109.)

Basahin:Variable costs o variable na gastos ay nakakapagpalaki o nakakapagpababa ng benta.

Fixed costs o fixed na gastos ay dapat mabayaran kahit gaano karami o kaunti ang benta.

Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay nagdadagdag lamang ng mga fixed cost kung alam nilang makakatulong ito sa negosyo na mas kumita.

Praktis:Tingnan ang mga gastusin sa negosyo ni Daniel. Bilugan ang fixed o variable para sa bawat gastusin.

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay nagdadagdag lamang ng mga fixed cost kung ito ay makakapagpalaki ng kita.

MGA GASTUSIN SA NEGOSYO NI DANIEL

Renta sa shop

Fixed

Variable

Kahoy para sa furniture

Fixed

Variable

Gastos sa delivery

Fixed

Variable

Suweldo ni Daniel

Fixed

Variable

Praktis:Ilista ang mga gastusin sa negosyo. Bilugan ang fixed o variable para sa bawat gastusin.

ANG AKING MGA GASTUSIN SA NEGOSYO

Fixed

Variable

Fixed

Variable

Fixed

Variable

Fixed

Variable

Fixed

Variable

Fixed

Variable

Fixed

Variable

Fixed

Variable

Basahin:Sa buong linggong ito, irerekord natin ang mga kita at gastusin, ipapakita kung alin ang fixed at alin ang variable, at dadalhin ang mga income statement natin sa susunod na miting.