Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nilang gawin.

  • Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting.

30 minuto bago magmiting:

  • Ayusin ang mga silya paikot sa mesa para magkakalapit lahat.

  • Isulat ang commitment chart sa board kasama ang mga pangalan ng mga tao sa grupo mo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).

    Pangalan ng group member

    Nagdala ng income and expense logs (Oo/Hindi)

    Nakamit ang weekly business goal (Oo/Hindi)

    Nagawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

    Nagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)

    Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

    Gloria

    O

    O

    O

    O

    O

10 minuto bago magmiting:

  • Masayang batiin ang mga tao sa kanilang pagdating.

  • Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa board. Ipaalala din sa kanila na pumunta sa pahina 205 at i-update ang kanilang pag-unlad patungo sa sertipikasyon.

  • Mag-assign ng timekeeper.

Sa pagsisimula:

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at ibang mga device.

  • Magsimula sa pambungad na panalangin (at himno, kung nais).

  • Tahimik na sabihin sa mga nahuling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Kumpletuhin ang principle 7 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa susunod na pahina.