Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-brown

Paano malalaman kung akma ang lahat?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa bahaging Pag-aralan.

Panoorin:“Magagawa Natin Ito” (Walang video? Basahin sa pahina 202.)

Praktis:Ang negosyo ni Maria ay mas maayos kaysa noong nakaraang 12 linggo. Paano naging mas mabuti ang negosyo mo ngayon kaysa noong nakaraang 12 linggo? Kumuha ng isang group member. Kunin ang iyong Business Success Map. Itanong, “Paano pinagbuti ng ______ (isang bagay mula sa map) ang negosyo mo?”

Halimbawa: “Paano pinagbuti ng paggamit ng maraming supplier ang negosyo mo?”

Magsalitan sa pagtatanong sa isa’t isa sa loob ng dalawang minuto.

Basahin:Magagawa natin ito! May mga napagtagumpayan na tayo. Tayo ay nagsimula at nagpalago ng ating mga negosyo! Kailangan nating patuloy na pagbutihin ang ating mga negosyo at palakihin ang ating mga kita.

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko mapapalaki ang aking kita? Paano ako patuloy na mag-aaral at magkakaroon ng progreso?

GAWAIN SA LINGGONG ITO—Ako ay magtatakda ng mga mithiin o goal para sa aking negosyo. Ako ay maghahanda ng presentation tungkol sa aking negosyo.

Paano ko makakamit ang aking mga business goal?

Talakayin:Basahin ang quotation sa kanan. Anong mga goal ang “nagpapasigla sa inyong imahinasyon at pupukaw sa inyong damdamin”?

Praktis:Magsulat ng tatlong goal na mayroon ka para sa iyong negosyo. Gawin sa loob ng dalawang minuto.

Magsama ng dalawang kagrupo. Tingnan ang dalawang goal sa ibaba.

Gusto kong maging mas mahusay sa pangangasiwa ng aking pera dahil madalas ay wala akong sapat na pambayad sa lahat ng aking gastusin maliban kung manghihiram ako sa aking pamilya, na kung minsan ay mahirap dahil madalas ay wala rin silang sapat na pera.

Dodoblehin ko ang aking kita at tubo sa susunod na buwan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Talakayin kung bakit mo pinili ang bawat sagot.

  1. Aling goal ang pinakakapana-panabik?

  2. Aling goal ang mas madaling maalala?

  3. Aling goal ang mas madaling masukat (malalaman kung kailan mo nakamit ang goal)?

    icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay nagtatakda ng mga kapana-panabik at nasusukat na mga goal.

Basahin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay nagtatakda ng mga goal na kapana-panabik, madaling maalala, at madaling masukat.

Praktis:Ikaw lang sa sarili mo, isulat nang panibago ang tatlong goal para sa iyong negosyo. Mag-ukol ng dalawang minuto para gawing kapana-panabik, madaling maalala, at madaling masukat ang iyong mga goal.

Ngayon, magsitayo ang lahat at isara ang inyong mga workbook. Humarap sa katabi mo at sabihin sa kanya ang iyong pinaka kapana-panabik na goal. Kaagad na lumipat sa susunod na tao hanggang maibahagi mo ito sa lahat.

Bumalik sa buong grupo. Ibahagi ang goal ng iba sa grupo (huwag ibahagi ang sa iyo).

Talakayin:Ang mga goal ba ninyo ay kapana-panabik, madaling maalala, at madaling masukat?

Basahin:Hindi nangyayari ang mga mithiin o goal dahil gusto lamang natin itong mangyari. Kailangan nating magsikap para makamit ang ating mga goal. Basahin ang quotation ni Pangulong Monson sa kanan.

Praktis:Magsulat muli ng tatlong goal sa ibaba. Isulat kung ano ang mga plano mong gawin para makamit ang iyong mga goal (may ibinigay na halimbawa).

GOAL

ANO ANG GAGAWIN KO PARA MAKAMIT ANG AKING GOAL

Dodoblehin ko ang kita ko sa susunod na buwan sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang tindahan sa kalsada na maraming taong nagdaraan.

Ipapamahala ko sa anak ko ang aking negosyo habang naghahanap ako ng magandang lugar para sa aking bagong tindahan.

Mamimigay ako ng mga sample para malaman ng mga tao kung paano makakabili sa akin.

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay hindi sumusuko.

Basahin:Malamang na magkaroon tayo ng mga paghihirap at pagkadismaya habang sinisikap makamit ang ating mga goal. Ang mga matagumpay na mga may-ari ng negosyo ay hindi sumusuko, at pinagpaplanuhan nila ang mga paraan para makayanan ang mga paghihirap. Basahin ang kuwento sa ibaba.

Magsulat:Magbahagi ng mga ideya kung paano makakayanan ang hirap sa pagkamit ng iyong mga goal. Tandaan na matutulungan ka ng Panginoon at ng ibang tao. Isulat sa ibaba ang iyong mga ideya.

Paano ako makakapaghanda para sa pagtatapos?

Basahin:Bilang bahagi ng pagtatapos, bawat isa sa atin ay tatayo at ilalarawan ang mga negosyo natin sa ibang mga may-ari ng negosyo, miyembro ng pamilya, at kaibigan. Habang pinapanood mo ang video, sumunod sa mga instruksiyon sa ibaba.

Panoorin:Ang Aking Negosyo sa Loob ng Limang Minuto (Walang video? Ang facilitator ay maaaring basahin ang pahina 203 habang ang iba ay sumusunod sa mga instruksiyon sa ibaba.)

MY BUSINESS IN FIVE MINUTES: MGA INSTRUKSIYON

Part 1:

Sa loob ng isang minuto, ilarawan ang iyong negosyo.

Part 2:

Sa loob ng isang minuto, ilarawan kung paano ang pagsagot ng isa sa mga sumusunod na mga tanong ay lalo pang nakapagpabuti sa negosyo mo.

  1. Ano ang gustong bilhin ng mga tao?

  2. Paano ako magbebenta?

  3. Paano ko makokontrol ang mga gastusin?

  4. Paano ko maitataas ang kita at tubo?

  5. Paano ko patatakbuhin ang aking negosyo?

Part 3:

Sa loob ng isang minuto, ilarawan kung paano mo nadagdagan ang iyong impok at nakapag-panatili ng mga financial record.

  • Ilang linggo bago ka nagdagdag sa iyong impok na pera? ___

  • Ilang linggo kang nakapagpanatili ng mga business financial record? ___

  • Ilang linggo kang nakapagpanatili ng mga personal financial record? ___

Part 4:

Sa loob ng isang minuto, ilarawan ang isang bagay na gagawin mo para patuloy na mapagbuti ang iyong negosyo.

Part 5:

Sa loob ng isang minuto, ilarawan ang isang business goal na mayroon ka at paano mo ito makakamit.

Praktis:Sa buong linggo, pag-isipan mo kung ano ang gusto mong ibahagi. Isulat ang mga ideya mo sa iyong business notebook. Praktisin sa pamilya o mga kaibigan mo ang paglalahad ng presentation. Dumating na handang ibahagi ang iyong mga business presentation. (Kung gusto mo, puwede kang gumamit ng mga tala, chart, o iba pang mga visual aids.)

Ano ang gagawin ko pagkatapos ng aking graduation?

Basahin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay patuloy na naghahangad ng kalaman. Tayo ay maaaring matuto mula sa mga aklat, ibang may-ari ng mga negosyo, mga klase, at sa bawat isa.

Halimbawa, maaari mong ikonsidera ang legal na pagrerehistro sa iyong negosyo. Talakayin ito sa iyong mga group member o sa mga member ng isang business council na makakatulong sa iyong malaman kung kailan at paano gawin ito.

icon ng business mapAng mga matagumpay na mga may-ari ng negosyo ay patuloy na nag-aaral.

Talakayin:Gusto ba ninyo patuloy na magkita-kita bilang isang grupo? Gusto mo bang makilala ang ibang mga grupo sa stake?

Basahin:Kung gusto nating patuloy na magkita-kita, maaari tayong gumawa ng sariling agenda o sundin ang agendang tulad nito:

Nagiging mas self-reliant na ba ako?

cover na My Path to Self-Reliance
Basahin:

Ang ating goal ay maging self-reliant, sa temporal at espirituwal. Ang gawing matagumpay ang mga negosyo natin ay isang bahagi lang ng goal na iyon.

Talakayin:Ano ang mga nakita mong pagbabago sa buhay mo nang isagawa at ituro mo ang mga alituntunin sa My Foundation?

Praktis:Buksan ang iyong booklet na My Path to Self-Reliance sa blankong self-reliance assessment (nasa likod). Kumpletuhin ang mga hakbang.

Kapag tapos ka na, gamitin ang tatlong minuto para pag-isipang mabuti ang sumusunod:

Mas nakikita mo na ba ang mga gastusin mo? Maisasagot mo na ba ang “madalas” o “palagi” sa karamihan sa mga tanong na ito? Mas sigurado ka na ba na ang halagang itinakda mo ay self-reliant na kita na? Malapit ka na bang magkaroon ng self-reliant na kita? Ano ang magagawa mo para umunlad?