Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
Ngayon, mag-uukol ang grupo ng karagdagang 20 minuto sa section na Mangakong Gawin. Pakibasa ang pinakahuling gawain sa My Foundation at maghanda na sagutan ang mga tanong.
-
I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nila.
-
Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting.
30 minuto bago magmiting:
-
Ayusin ang mga upuan paikot sa mesa para magkakalapit ang lahat.
-
Isulat ang commitment chart na ito sa board na may mga pangalan ng mga tao sa grupo mo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).
Pangalan ng group member
Sumubok ng dalawang paraan na makapag-upsell sa 10 kustomer (Isulat ang #)
Sumubok ng dalawang paraan na mapababa ang mga gastusin (Isulat ang #)
Nakamit ang weekly business goal (Oo/Hindi)
Nagawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)
Nakapagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)
Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)
Gloria
15
5
O
O
O
O
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga tao sa pagdating nila.
-
Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa board. Ipaalala din sa kanila na pumunta sa pahina 205 at i-update ang kanila progreso patungo sa sertipikasyon. Magtanong kung sino na ang nakakumpleto ng kanilang mga requirement para sa sertipikasyon. Lagdaan ang kopya ng completion letter sa pahina 206 para sa bawat tao na nakakumpleto ng mga requirement. Pagkatapos ng miting, ipaalam sa stake self-reliance committee kung sino ang nakatapos ng mga requirement para sa sertipikasyon.
-
Mag-assign ng timekeeper.
Sa pagsisimula:
-
Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at ibang mga device.
-
Magsimula sa pambungad na panalangin (at himno, kung nais).
-
I-set ang timer nang 20 minuto para My Foundation.
-
Kumpletuhin ang principle 12 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa susunod na pahina.