Mga Naunang Edisyon
Business Success Map


Business Success Map

Mga Alituntunin para Magtagumpay sa Negosyo

Larawan
business success map

BUSINESS SUCCESS (TAGUMPAY SA NEGOSYO)

Paano ko patatakbuhin ang aking negosyo?

  • Paghiwalayin ang rekord sa negosyo at personal na rekord

  • Magrekord araw-araw

  • Unahing bayaran ang ikapu

  • Mag-impok ng pera kada linggo

  • Pagbutihin ang isang bagay bawat araw

  • Patuloy na mag-aral

  • Isabuhay ang mga alituntunin sa Foundation.

  • Magtakda ng mataas pero posibleng makamit na mga mithiin

  • Magsimula nang maliit, umasa nang malaki

  • Huwag sumuko kailanman!

CUSTOMERS (MGA KUSTOMER)

Ano ang gustong bilhin ng mga tao?

  • Alamin kung bakit binibili ng mga tao ang produkto mo

  • Alamin kung ano ang mahalaga para sa mga kustomer

  • Matuto mula sa mga kustomer araw-araw

SALES (PAGBEBENTA)

Paano ako magbebenta?

  • Laging mag-upsell

  • Dalasan ang pagturn sa inventory

  • Magtanong, makinig, magmungkahi

  • Gawing mas madali ang bumili

  • I-close ang benta

PROFIT (KITA)

Paano ko madadagdagan ang aking kita?

  • Magrekord araw-araw

  • Suwelduhan ang sarili

  • Hangaring kumita kada araw

  • Bumili sa mababang presyo, magbenta sa mataas na presyo

  • Huwag nakawan ang sariling negosyo

  • Gumamit ng produktibong mga asset

COSTS (MGA GASTOS)

Paano ko makokontrol ang aking mga gastos?

  • Babaan ang mga gastos

  • Gumamit ng maraming supplier

  • Magdagdag lamang ng fixed na gastos kung makadadagdag ito sa kita

  • Maging matalino sa paggawa ng mga investment

  • Gamitin ang Apat na Tama para maging matalino sa paghiram

Print