Magreport
Tinupad ko ba ang aking mga ipinangakong gawin?
-
Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa section na Magreport.
-
Talakayin:Basahin ang quotation sa kanan. Paano ito naaangkop sa inyong grupo?
-
Basahin:Ireport natin ang ating mga ipinangakong gawin. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga pangako. (Palakpakan ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga pangako.)
Ngayon, magsitayo ang lahat. Dapat nating sikaping tuparin ang lahat ng ating mga pangako. Iyan ang isa sa magagandang pag-uugali ng mga taong self-reliant.
Habang nakatayo pa tayo, sabihin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements. Ipinapaalala sa atin ng statements na ito ang layunin ng grupo.
-
Basahin:Magsiupo tayo.
Dinala ba ng lahat ang kanilang business notebook? Para sa mga hindi nakapagdala, humingi na lamang kayo sa iba ng ilang papel para may magamit ngayon. Pagkatapos ng miting na ito, maghanda na kayo ng notebook para sa nalalabi pang mga miting natin.
Kapag nakita natin ang simbolong ito, ipinapaalala nito sa atin na ang mga bagay na tinatalakay natin ay importanteng isulat sa ating mga business notebook. Hindi natin kailangang isulat ito ngayon, pero habang nasa miting o sa buong linggong ito, dapat nating isulat ang mga bagay na tutulong sa ating magsimula at magpalago ng ating mga negosyo.
-
Talakayin:Tayo ay sama-samang magpayuhan at magtulungan para sa ating mga negosyo. Ito ang pinakamahalagang tatalakayin sa miting na ito!
Ano ang natutuhan mo sa pagkumpleto ng mga araw-araw na gawain sa Business Success Map? Paano ito makakatulong sa negosyo mo?
Ano ang natutuhan mo sa pagkamit ng iyong weekly business goal?