Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Mas Malaking Trak?

Magsalitan sa pagbasa sa mga sumusunod na mga talata.

Dalawang lalaki ang nagsosyo. Nagtayo sila ng isang maliit na kubol sa tabi ng isang kalsadang maraming dumadaan. Nakakuha sila ng isang trak at minaneho ito papunta sa bukid ng isang magsasaka, kung saan sila bumili ng napakaraming melon na isang dolyar kada piraso.

Minaneho nila ang punung-punong trak papunta sa kanilang kubol sa gilid ng kalsada, at ibinenta ang mga melon sa halagang isang dolyar kada piraso.

Bumalik sila sa bukid ng magsasaka at bumili ulit ng napakaraming melon na isang dolyar kada piraso.

Dinala nila ito sa tabi ng kalsada at ibinenta ulit nang isang dolyar kada piraso.

Habang pabalik sila sa bukid ng magsasaka para makakuha ng mabebenta, sinabi ng isang lalaki sa kanyang kasosyo, “Kumikita ba tayo sa negosyong ito?”

“Hindi,” ang sagot ng kasosyo.

“Sa tingin mo ba ay kailangan natin ng mas malaking trak?” Dallin H. Oaks, “Pagsisisi at Pagbabago,” Ensign, May 2001, 82.)

Bumalik sa pahina 36

Don’t Close Your Business (Huwag MONG Isara ang Negosyo MO)

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod:

JOSEPHINE: Ano ang problema, Grace? Mukhang hindi ka masaya.

GRACE: Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nagsisimula pa lang kumita ang negosyo ko at heto ang nangyari.

PRISCILLA: Ano bang nangyari?

GRACE: Nagtaas kasi ng presyo kahapon ang binibilhan ko ng malinis na tubig, kaya ngayon isasara ko na ang negosyo ko.

PRISCILLA: Nakakalungkot naman, Grace. Bakit?

GRACE: 10 kada botelya lang ang puwede kong ipresyo sa tubig. Hindi magbabayad nang mas malaki ang mga kustomer. At 7 lang dati ang bili ko sa bottled water.

GRACE: Pero itinaas na ng supplier ko ang presyo sa 10. Kaya wala na akong kita! Ano ang gagawin ko?

PRISCILLA: Nakausap mo na ba ang supplier mo? Isa ka sa mga pinakaimportanteng kustomer niya.

GRACE: Hindi pa. Hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ako makakatawad sa presyo niya.

PRISCILLA: Hindi. Dapat mo siyang kausapin. Kailangan niyang makita na mawawalan siya ng isang importanteng kustomer. Puwede niyang baguhin ang presyo niya para manatili ka sa kanya. Dapat mong kausapin lagi ang mga supplier para makakuha ng pinakamababang purchase cost na makakaya mo.

GRACE: Okey. Susubukan ko.

JOSEPHINE: At dapat lagi kang may ibang mga opsyon. May kilala ako na maaari kang bentahan ng tubig sa halagang 5. Pasensya na hindi ko ito nasabi sa iyo kaagad. Hindi ko alam na nagbabayad ka ng 7—at ngayon 10 na! Ipapakilala kita sa taong iyon.

GRACE: Talaga? O, Josephine. Salamat. Oo, ipakilala mo kami sa bawat isa. Priscilla, salamat ha. Pipilitin ko na makuha ang pinakamababang presyo para sa tubig na binibili ko.

Bumalik sa pahina 38

Mga Tala