Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

Larawan
lightbulb-blue

Mabuti ba o masama ang paghiram ng pera?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Talakayin:Mag-isip ng isang taong kilala ninyo na nanghiram ng pera. Nakatulong o nakasama ba sa kanila ang paghiram ng pera?

Basahin:Ang personal na utang at utang para sa negosyo ay magkaiba.

Ginagamit natin ang personal na utang para may panggastos tayo sa hindi kayang bilhin ng pera natin. Ginagamit natin ang utang na pangnegosyo para makabili o makagawa ng mas maraming produkto na hindi kaya ng puhunan natin.

Basahin ang quotation sa kanan. Ang mga propeta ay nagpayo sa atin na umiwas sa personal na utang.

Ang utang para sa negosyo ay tutulong sa pagpapalago ng negosyo natin. Pero hindi laging tama ang magpasiyang umutang para sa negosyo. Dapat malaman natin kung kailan ito “angkop,” tulad nang sinabi ni Pangulong Benson.

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko malalaman kung dapat akong umutang para mapalago ang aking negosyo?

GAWAIN SA LINGGONG ITO—Ako ay (1) makikipag-usap sa kahit sampung kustomer para malaman kung bibili ba sila kung mas marami ang ibebenta ko at (2) bibisita sa kahit apat na lender at itatanong sa kanila ang mga tanong sa loan terms worksheet.

Sa miting na ito, mag-aaral at magpapraktis tayo ng mga kasanayan na makakatulong sa ating malaman kung magandang ideya ba ang pangungutang para sa ating negosyo.

Paano makakatulong sa pagdedesisyon ko ang “apat na tama”?

Panoorin:“Kukuha ng Loan?” (Walang video? Basahin sa pahina 143.)

Talakayin:Paano ninyo malalaman kung ang isang loan ay makakatulong o makakasama sa inyo?

Basahin:Basahin nang malakas at talakayin sandali ang bawat isa sa “Apat na Tama” o “Four Rights.”

ANG APAT NA TAMA

1. Tamang Dahilan

Humiram lang kung ito ay makakatulong sa aking negosyo na kumita nang mas malaki.

2. Tamang Panahon

Humiram lang kung matagal na ako sa negosyo ko at alam na alam ko na ang pasikut-sikot dito at maipapakita na may sapat na mga tao na bibili ng ibinebenta ko.

3. Tamang Terms

Humiram lang kung makakahanap ng maayos na lender.

4. Tamang Halaga

Humiram lang kung maipapakita ko na kaya ko itong bayaran.

Praktis:Habang pinapanood mo ang mga sumusunod na video, magpasiya kung sa tingin mo ay masasagot nina Maria at Carlos ang mga tanong sa bawat isa sa Apat na Tama.

I-tsek ang “Oo,” “Hindi,” o “Hindi Sigurado” para kina Maria at Carlos.

Panoorin:“Tamang Dahilan?” (Walang video? Basahin sa pahina 144.)

Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay gumagamit ng Apat na Tama para humiram nang matalino.

Talakayin:Tama ba ang dahilan nina Maria at Carlos sa kanilang panghihiram? Bakit oo o bakit hindi?

MGA DAHILAN NG PANGHIHIRAM

MARIA

CARLOS

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Hihiram ba ako para gamitin sa magandang negosyo (hindi sa personal na dahilan)?

Ang mga bagay ba na bibilhin ko gamit ang loan ay mabilis na makapagbibigay sa akin ng pera?

Mas mabuti bang mag-loan kaysa mag-impok ng perang gagamitin sa pagpapalago ng aking negosyo?

Naisip ko na ba ang lahat ng mga maaring di-magandang mangyari?

Panoorin:“Tamang Panahon?” (Walang video? Basahin sa pahina 145.)

Talakayin:Nasa tamang panahon ba ang panghihiram nina Maria at Carlos? Bakit oo o bakit hindi?

PANAHON PARA MANGHIRAM

MARIA

CARLOS

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Matagal na ba ako sa negosyo ko kaya alam na alam ko na ang mga pasikut-sikot dito?

Ito ba ay kasama sa plano ko para mapalago ang negosyo ko?

Maipapakita ko ba na bibili nang marami ang mga kustomer ko kung marami rin akong ibebenta?

Kung bibili ako ng isang bagay para sa aking negosyo (tulad ng manok o trak), mapapakinabangan ko ba ito nang mas matagal kaysa sa loan?

Panoorin:“Tamang Terms?“ (Walang video? Basahin sa pahina 146.)

Talakayin:Tama ba ang terms ng panghihiram nina Maria at Carlos? Bakit oo o bakit hindi?

HALAGANG HIHIRAMIN

MARIA

CARLOS

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Nakagawa ba ako ng anim na buwan na cash flow statement?

Makakabayad ba ako at kikita pa rin?

Kung wala akong dagdag na benta, makakapagbayad pa rin ba ako?

Panoorin:“Tamang Halaga?” (Walang video? Basahin sa pahina 147.)

Talakayin:Tama ba ang halagang hihiramin ni Maria at Carlos? Bakit oo o bakit hindi?

HALAGANG HIHIRAMIN

MARIA

CARLOS

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Oo

Hindi

Hindi Sigurado

Nakagawa ba ako ng anim na buwan na cash flow statement?

Makakabayad ba ako at kikita pa rin?

Kung wala akong dagdag na benta, makakapagbayad pa rin ba ako?

Basahin:Natutuhan natin kung paano gumamit ng cash flow statement para malaman kung magkakaroon ba tayo ng sapat na pambayad. Matutulungan tayo nitong malaman kung tama ba ang halagang hinihiram natin.

Praktis:Pagkatapos mong makipagkita sa mga lender ngayon linggo, gamitin ang cash flow worksheet sa pahina 150 para makasigurado kung kaya mo ang mga payment. (Tingnan ang mga bagay na natutuhan natin noong nakaraang linggo kung kailagan mo ng tulong sa paggawa ng cash flow statement.)

Noong hindi sigurado si Maria sa isasagot niya sa isa sa mga tanong sa Apat na Tama, gumawa siya ng plano para malaman ang sagot.

Bago tayo humiram, dapat din nating malaman ang mga sagot kung hindi tayo sigurado. Humingi ng tulong sa mga kagrupo o sa iba kung kailangan.

Dapat ba akong humiram para sa negosyo ko?

Praktis:Heto ang ilang mga bagay na magagamit ngayong linggo para makakalap ng mga impormasyon at makagawa ng mga desisyon. Pumunta sa mga pahina 148–50. Mag-ukol ng limang minuto sa pagtingin sa Checklist para sa Apat na Tama at sa Loan Terms Worksheet at talakayin kung paano gagamitin ang mga ito.

Checklist para sa Apat na Tama

Larawan
pahina

Tingnan sa pahina 148.

Sa buong linggo, repasuhin ang mga tanong na ito at i-tsek kung ang sagot mo ay “oo.”

Loan Terms Worksheet

Larawan
pahina

Tingnan sa pahina 149.

Sa buong linggo, gamitin ang loan terms worksheet na ito para may malamang impormasyon sa kahit apat na lender lang.

Lender Information

Larawan
pahina

Tingnan ang handout mula sa facilitator. Kung wala, hingan ng mungkahi ang ibang mga may-ari ng negosyo tungkol sa mga lender na magandang magpautang sa inyong lugar.

Sa buong linggo, gamitin ang impormasyon na ito para makahanap at makakontak ng mga lender.

Anim na Buwang Cash Flow

Larawan
pahina

Tingnan sa pahina 150.

Gamitin ang worksheet na ito para makagawa ng mga cash flow statement para malaman kung alin sa mga loan ang kaya mong bayaran.