Pag-aralan
Bakit gustong bumili ng mga kustomer sa akin?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa bahaging Pag-aralan.
-
Basahin:Para mapalago ang ating negosyo, kailangan nating makapanghikayat ng mas maraming kustomer at makabenta nang mas marami! Ginagastos ng mga tao ang kanilang pera para sa isang bagay na importante sa kanila. Kapag mas importante sa kanila ang isang bagay, mas malaki ang ibabayad nila para dito.
Para makapagbenta nang marami, kailangan nating malaman kung ano ang importante sa mga kustomer natin, makumbinsi ang mga kustomer na ito, at mabentahan sila! At kailangang mas maganda ang maiaalok natin kaysa sa kakompitensya natin.
-
Panoorin:“Magbenta, Magbenta, Magbenta” (Parts I and II) (Walang video? Basahin sa pahina 169.)
-
Talakayin:Paano natutuhan ni Kwame kung ano ang mga bagay na importante sa mga kustomer?
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ako makakapaghikayat ng mas maraming kustomer at makabenta?
GAWAIN SA LINGGONG ITO— Susubukan ko ang aking mga ideya sa marketing at irerekord at imo-monitor ang mga resulta. Matututo ako mula sa mga kustomer at susubok ng mga solusyon sa mga problema nila.
-
Praktis:Talakayin ang sumusunod kasama ang isang group member:
-
Ilarawan ang inyong mga kustomer sa bawat isa. Tukuyin nang malinaw. Ilang taon sila? Kasarian? Kita? Kailan sila bumibili ng produkto mo? Saan?
-
Bakit nila bibilhin ang produkto mo? Anong pakinabang ang maibibigay nito sa kanila? Maglista ng maraming bagay hanggang makakaya ninyo, tulad ng:
-
Malamig ang tubig ko.
-
Purified ang tubig ko.
-
Ginagawa kong madali ang pagbili nila ng tubig sa akin.
-
Palakaibigan ako at tinatawag ko ang mga kustomer sa kanilang mga pangalan.
-
-
Anong bagay ang maibibigay mo na hindi maiaalok ng mga kakompitensya mo? Mas maganda ba ang iyong presyo, lugar, o pagpipilian? Ang tawag dito ay competitive advantage. Ito ang bagay na nagtutulak sa mga kustomer mo na piliin ka kaysa sa kakompitensya mo.
-
-
Basahin:Naiintindihan ng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ang kanilang mga kustomer sa pamamagitan ng magandang pagtatanong para mas malaman ang problema nila at paano sila makakatulong.
-
Praktis:Kumuha ng isang partner. Basahin nang sabay ang senaryong ito:
Gamitin ang table sa ilalim para isulat ang iyong mga ideya kung paano magtatanong si Martin ng magagandang tanong kay Felix (may halimbawang ibinigay).
MAGANDANG PAGTATANONG
1. Ano ang gusto kong malaman tungkol sa kustomer?
2. Ano ang puwede kong itanong para malaman ito?
Anong problema ang ipinunta niya rito para maayos?
Mukhang may tinatapos ka at nagkaproblema. Ano ba ang maitutulong ko?
Ibahagi sa buong grupo ang mga tanong na sa tingin mo ay dapat itanong ni Martin kay Felix.
-
Praktis:Isipin mo naman ngayon ang sarili mong mga kustomer. Sa unang column, isulat ang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa mga kustomer mo (may halimbawang ibinigay). Sa pangalawang column, isulat ang mga tanong na magagamit para malaman mo ito.
MAGANDANG PAGTATANONG
1. Ano ang gusto kong malaman tungkol sa kustomer?
2. Ano ang puwede kong itanong para malaman ito?
Kailan magiging handang bumili ang kustomer ko?
Para ba sa isang espesyal na okasyon ito? Kailan kaya ito?
Kasama ang isa pang group member, ibahagi ang ilan sa mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa mga kustomer mo. Ibahagi ang mga tanong na gagamitin mo para malaman ang mga ito.
-
Talakayin:Bilang isang grupo, talakayin ang mga paraan para mas malaman pa ang tungkol sa mga kustomer ninyo at ano ang magagawa ninyo sa linggong ito para masimulan ito.
Paano ako makakapaghikayat ng mas maraming kustomer?
-
Talakayin:Isipin ang mga pagkakataon kung kailan bumili ka ng kahit anong bagay sa isang pamilihan na hindi mo pa napuntahan dati. Bakit gusto mong bumili roon? Paano nanghihikayat ng mga kustomer ang mga negosyo sa lugar ninyo?
-
Praktis:Sa mga patlang sa table sa ibaba, isulat ang mga produkto o serbisyo na binili mo. Pagkatapos ay isulat kung ano ang nakahikayat sa iyo sa mga negosyo (tingnan ang mga halimbawa).
ANO ANG NAKAHIKAYAT SA AKIN? BAKIT AKO BUMILI?
Produkto o Serbisyo na Binili Ko
Personal na Pagbebenta
Referral
Ad
Sale
Iba Pa
Kendi
Sinabihan ako ng may-ari ng negosyo tungkol dito
Sinabi ng kapitbahay ko na dapat kong subukan ito
20% ang bawas mula sa presyo
Libreng sample
Pananamit
Sinabihan ako ng salesperson tungkol sa sale
May nakita akong poster sa pader
Buy 1 get 1 na kalahati ang presyo
Mga gulay
Sinabi ng kaibigan ko na subukan ito
Nakita ko ito sa diyaryo
Libreng sample
-
Talakayin:Ibahagi ang mga sinulat mo sa ibang group member. Aling paraan ang maaaring epektibo sa negosyo mo?
-
Basahin:Ang mga negosyong pinag-usapan natin ay hindi nagkataon lamang na nakapanghikayat ng mga kustomer. Nakaisip sila ng mga ideya para i-market ang kanilang produkto o serbisyo.
-
Talakayin:Saan nila nakuha ang mga ideyang iyon?
-
Panoorin:“Marketing?” (Walang video? Basahin sa pahina 170.)
-
Basahin:Kasama sa marketing ang:
-
Mga ideya kung paano makakahanap at makakaimpluwensiya ng mga kustomer.
-
Ang inaasahan natin na gagawin ng mga kustomer.
-
-
Praktis:Gawin ito kasama ang katabi mo.
-
Tulungan ang bawat isa na makaisip ng mga ideya na tutulong sa mga kustomer na mahanap ang negosyo mo at mabili kung ano ang ibinebenta mo. Talakayin ang pinakamabisang paraan sa lugar ninyo.
-
Isulat sa ibaba ang kahit isang bagong ideya. Pagkatapos ay tulungan ang bawat isa na maisulat ang mga ninanais na resulta (may mga halimbawang ibinigay).
MGA IDEYA SA MARKETING
Ideya
Inaasahang Resulta
Kung gagamit ako ng loudspeaker para ipaalam sa mga tao na bawas nang 40% ang mga upuan ko.
Ang mga kostumer ay pupunta sa aking shop at bibili ng mga upuan.
-
Paano ko masusubukan ang aking marketing plan?
-
Basahin:Paano natin malalaman kung epektibo ang mga ideya natin? Kailangan natin ng paraan para masubukan ang mga ito. Kailangan natin ng paraan para masukat ang mga resulta.
-
Praktis:Gawin ito kasama ang katabi mo. Talakayin at isulat ang ilang ideya sa marketing at ang mga resulta na nais mo sa iyong negosyo. Isama ang mga ideya na tila epektibo ngayon. Para sa bawat ideya, isulat kung paano mo masusukat ang mga resulta. Ang mga ideya mo ay magbabago at mapapabuti pa habang sinusubukan at sinusukat mo ang epekto nito.
PAGSUBOK SA AKING MGA IDEYA SA MARKETING
Ideya
Inaasahang Resulta
Pagsukat
Kung gagamit ako ng loudspeaker para ipaalam sa mga tao na bawas nang 40% ang mga upuan ko.
Ang mga kostumer ay pupunta sa aking shop at bibili ng mga upuan.
Kapag pumasok ang mga kustomer, tatanungin ko sila kung paano nila nabalitaan na may 40% off na sale. Isusulat ko ang mga sagot ng mga kustomer.
-
Basahin:Subukan natin ang ating mga ideya ngayong linggo! Hindi natin kailangang subukang lahat nang sabay-sabay ang mga ideya natin. At posible na may mga ideya na hindi epektibo—ayos lang iyon. Patuloy lang tayong susubok ng mga ideya at susukat ng mga resulta. Sa kalaunan, tayo ay makakahanap ng mga pinakamabuting paraan para matulungan ang mga tao na matuklasan tayo at bilhin ang mga ibinebenta natin.
Paano ko mapapabili ang mga kustomer?
-
Basahin:Bakit may mga kustomer na bumibili at may ibang hindi bumibili? Maraming dahilan. Pero kaya nating impluwensyahan ang desisyong iyan!
-
Panoorin:“Bumili Sana ng Kahit Ano!” (Walang video? Basahin sa pahina 171.)
-
Talakayin:Bakit hindi nakumbinsi ni Maria ang mga kustomer na bumili ng ilang itlog? Iniisip ba ni Maria ang kapakanan niya o ng kanyang mga kustomer?
-
Basahin:Para mahikayat ang mga kustomer na bumili, dapat tayong magtanong, makinig, at magmungkahi.
Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay ginagamit ang cycle na ito para makumbinsi ang mas maraming mga kustomer na bilhin ang kanilang mga produkto at serbisyo.
-
Panoorin:“Magtanong, Makinig, Magmungkahi” (Walang video? Basahin sa pahina 172.)
-
Talakayin:Noong una, isa lamang ang itinanong ni Maria kina Samuel at Lucia: “May maitutulong ba ako?” Ano ang ginawa ni Maria na iba kaysa dati na nakapagbigay ng mas magandang resulta? Paano ipinakita ni Maria kay Silvia na nakikinig talaga siya?
-
Talakayin:Isipin ang mga pagkakataon na hinihikayat ka ng isang tao na bumili, kahit wala kang balak siguro na bumili. Ano ang sinabi niya na nakapanghikayat sa iyo na bumili?
-
Basahin:Ang chart sa ibaba ay nagpapakita ng limang uri ng paraan, na may mga halimbawa, na magagamit natin para mahikayat ang ating mga kustomer na bumili ng ating mga produkto. Ito ay tinatawag na “closing the sale.”
-
Praktis:Magsama ng dalawa pang kagrupo mo. Praktisin ninyo sa bawat isa kung paano mag-close ng sale. Subukang ibenta sa kanila ang iyong produkto. Gamitin ang table sa ibaba para isulat ang pinakamagandang pag-close ng sale na puwede mong gamitin sa pagbebenta sa iyong mga kustomer. Sumulat ng kahit isang mungkahi para sa bawat uri.
PAG-CLOSE NG SALE
1. Dalawang magandang opsyon.
2. “Kung”
3. Mahalagang pangyayari
4. Halimbawa
5. Iba Pa
Gusto mo ba ng saging o mangga?
Kung kaya kong kunin nang ganyang presyo, hahayaan mo ba akong umorder nito?
Kaya kong maihanda ito bago ang kaarawan ng asawa mo.
Subukan mo ito. Sa tingin ko ay mas magugustuhan mo ang lasa nito.
Bilhin mo na lang kaya iyong dalawang pares ng sapatos para mabigyan kita ng diskwento?
Ngayon, magsitayo ang lahat. Umikot sa silid na ito at subukang gamitin ang iba’t ibang mga paraan. Gawin ito sa loob ng dalawang minuto.
-
Talakayin:Kasama ang buong grupo, talakayin kung ano sa palagay mo ang pinakamabuting paraan para bumili ang mga kustomer sa iyo. Bakit ito ang pinakamabuting paraan para sa mga kustomer mo?
Paano ko magagawang madali ang patuloy na pagbili?
-
Basahin:Ang matagumpay na mga may-ari ng negosyo ay ginagawang madali at masaya ang pagbili sa kanila ng mga kustomer.
-
Praktis:Kumuha ng partner at magkasamang suriin ang mga sumusunod na halimbawa.
Basahin ang karanasan ni Paula sa Tindahan 1 at pagkatapos sa Tindahan 2. Pagkatapos ay basahin ang isinagot niya sa kanyang kaibigan. Talakayin sa partner mo kung bakit mo naisip na irerekomenda ni Paula ang Tindahan 1?
ANG KARANASAN NI PAULA SA PAMIMILI
Tindahan 1
Tindahan 2
Karanasan ni Paula
Nakapunta na si Paula sa tindahan na ito nang mahigit 15 beses. Gusto niya ang mga presyo, pagpipilian, at ang may-ari.
Si Paula ay isang beses pa lang nakapunta sa tindahan na ito. Sa tingin niya ay mahirap makita ang gusto niya. Hindi siya natulungan nang magtanong siya.
Ang tugon ni Paula sa kanyang kaibigan
“Pumunta tayo sa Tindahan 1. Lagi akong pumupunta roon. Madali kong mahanap doon ang gusto ko. Gusto ko ang lugar na iyon.”
“Hindi ko gusto ang Tindahan 2. Sobrang hirap hanapin ng mga gusto ko. At hindi matulungin ang mga tao doon nang magtanong ako.”
-
Basahin:Babalik-balikan ng mga kustomer ang mga negosyo kung ang may-ari at ang mga empleyado ay:
-
Alam ang pangalan ng kanilang mga kustomer
-
Ngumingiti sa kanilang mga kustomer
-
Nakikinig at sumasagot sa mga pangangailangan ng mga kustomer
-
-
Talakayin:Ano ang kailangan mong gawin sa iyong mga negosyo para palaging bumalik ang mga kustomer mo? Ano ang maidadagdag mo sa listahan sa itaas?