MAXWELL: Daniel, nandito ako para kunin ang bayad para sa trinabaho ko noong nakaraang Miyerkules.
DANIEL: Hindi ba binayaran na kita? Sigurado akong binayaran kita.
MAXWELL: Hindi pa. Ang isa pang pinagtatrabahuhan ko ay laging inirerekord ang mga ito. May rekord ka ba na binayaran mo ako?
DANIEL: Wala, pero akala ko ay nagbayad na ako.
MAXWELL: Paano mo malalaman kung hindi mo inirerekord?
Daniel: Sa tingin ko. … Hindi ko alam.
JAMES: Daniel, masaya akong makita ka. Kumusta ang negosyo?
DANIEL: Maraming trabaho.
JAMES: Maganda iyan. Kumikita ba?
DANIEL: Oo … sa tingin ko.
JAMES: Sa tingin mo? Ano ang ibig mong sabihin?
DANIEL: Hindi kasi ako nagrerekord. Abala ako sa paggawa ng mga furniture. Tinatandaan ko na lang at umaasa na maging maayos ang lahat.
JAMES: Talaga? Hindi mo inirerekord ang kita at gastusin mo at hindi mo kinakalkula ang iyong kita o lugi?
DANIEL: Hindi. Hindi ako accountant. Tagagawa ako ng furniture.
JAMES: Bawat may-ari ng negosyo ay dapat nagrerekord. Iyon lamang ang paraan para malaman mo kung kumikita ang negosyo mo o hindi. Sige, tatanungin uli kita. Kumikita ka ba?
DANIEL: Um … hindi ko alam.
JAMES: Kumita ka ba nang mas malaki o mas kaunti kaysa sa nakaraang buwan?
DANIEL: Hindi ko alam.
JAMES: Sundin mo sana ang payo ko at lagi kang magrekord para malaman mo.
Bumalik sa pahina 52