Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Nakapagbenta, Nawala ang Benta!

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod:

MARIA: Hi, Silvia. Kumusta na?

SILVIA: Mabuti, salamat. Sino ang katulong mo ngayon?

MARIA: Ang pamangkin ko, si Sophia.

SILVIA: Ang bait mo naman! Nakahanap na ng trabaho ang kapatid ko. Sa bahay ko pa rin siya nakatira, pero tutulong na siya ngayon sa gastos sa pagkain.

MARIA: Kailan siya nagsimula sa trabaho?

SILVIA: Ngayon lang!

MARIA: Makakatulong iyon sa kanya—at sa iyo! Bakit pala napapunta ka rito?

SILVIA: Gusto ko pang bumili ng mga itlog. Gusto iyan ng lahat at nakatipid pa kami. Gusto ko ng walo pang itlog at dalawang garapon ng gatas.

MARIA: Okey. Salamat sa pagbili sa akin ngayon, Silvia. Ingat ka!

SOPHIA: Ang dami po niyang dala. Bakit hindi po ninyo itinanong kung gusto niyang ako na ang magbuhat ng mga itlog at gatas para sa kanya.

MARIA: O, Sophia. Tama ka. Dapat ay naisip ko iyon. Pagkakataon ko na sanang kumita para sa delivery service. Puwede pa sana akong kumita ng 10.

Bumalik sa pahina 178

Ang Upsell

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod:

SILVIA: Narito ako uli ako para bumili ng itlog! At, kailangan ko ng 10 pang itlog ngayon dahil hindi ako makakabalik nang ilang araw.

MARIA: Mabuti! Iniisip kita. Halos pareho tayo ng bilang ng pinapakain at nakakaubos kami ng hindi bababa sa 12 itlog. Mabuti talaga ito para sa inyo.

SILVIA: Ang problema ay kung paano ko iyan maiuuwi. Alam mo nakabasag ako ng dalawa noong huli.

MARIA: Nag-alala ako tungkol diyan. Puwede kong pasamahin si Sophia sa bahay ninyo para siya na ang magdala ng mga itlog. May bayad lang na 10 para sa delivery. Mahal lang nang kaunti, pero hindi mo na poproblemahin ang pagdadala nito. At kung may mababasag si Sophia sa pagde-deliver, papalitan namin ito nang libre.

SILVIA: Alam mo, makakatulong iyan. Sige, payag ako. Salamat po.

MARIA: Sige! Sophia, salamat sa pagtulong mo kay Silvia. Bumalik ka agad!

Bumalik sa pahina 178

Mabilis na Mag-Turn ng Inventory

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod:

MARIA: Hi, Naomi. Ano ang kailangan mo ngayon?

NAOMI: Kailangan ko ng gatas.

MARIA: Mabuti! Marami kami niyan.

NAOMI: Maria, mabaho na ang gatas na ito. Matagal na ba ito?

MARIA: O, Sophia. Pasensya ka na. Hindi ako sigurado. Marami akong binili para hindi ako maubusan.

NAOMI: Mahalagang mayroon kang sapat para sa mga kustomer, pero dapat mabilis ang pag-turn ng inventory mo.

MARIA: Turn ng inventory? Ano ang ibig sabihin niyon?

NAOMI: Ang pag-turn inventory ay ang pagbebenta ng lahat nang nabili mo sa iyong supplier.

MARIA: Sinubukan kong mai-turn ang inventory ko. Pero minsan matagal ito at kailangan kong itapon ang mga gatas na napanis na.

NAOMI: Iyon ang dahilan kung bakit dapat mabilis mong mai-turn ang inventory. Ang pagtatapon ng gatas dahil hindi mo naibenta kaagad ay pag-aaksaya ng pera mo. Pero hindi lang iyan ang dahilan kung bakit kailangang mabilis ang pag-turn ng inventory mo.

MARIA: Talaga?

NAOMI: Maria, saan galing ang pera na ipinambabayad sa supplier mo ng gatas?

MARIA: Iniipon ko ang pera mula sa bawat benta ng gatas. Kapag mayroon na akong sapat, bumibili ako ng mas maraming gatas.

NAOMI: Maria, kung mas matagal mong mai-turn ang inventory mo, mas matagal bago ka makabili ng mas maraming gatas.

Tandaan mo, na kumikita ka lang mula sa mga benta. Kaya kung mas mabilis mai-turn ang inventory mo, mas maraming pera ang kikitain mo.

Ano kaya kung mabebenta mo ang lahat ng iyong gatas sa loob ng tatlong araw? O dalawang araw? O kahit na sa mismong araw na bumili ka?

MARIA: Walang gatas ang masisira, at makakabili ako nang mas marami at mas maaga sa aking supplier. At magkakaroon ako ng mas maraming gatas na ibebenta sa aking mga kustomer at kikita ako nang mas malaking pera. Sisimulan ko na ang mas mabilis na pagtu-turn ng inventory ko!

Bumalik sa pahina 182

Mga Tala

Print