Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang kanilang mga ipinangakong gawin.

  • Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting. Walang mga aklat o video? Makakakuha kayo nito online sa srs.lds.org.

30 minuto bago magmiting:

  • Ayusin ang mga upuan paikot sa mesa para magkakalapit ang lahat.

  • Isulat ang commitment chart sa board kasama ang mga pangalan ng mga tao sa grupo mo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).

    Pangalan ng group member

    Nakumpleto ang araw-araw na ginagawa sa Business Success Map (Isulat ang # ng araw)

    Nagdala ng business notebook (Oo/Hindi)

    Nakamit ang weekly business goal (Oo/Hindi)

    Nagawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

    Nakapagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)

    Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

    Gloria

    6

    O

    O

    O

    O

    O

10 minuto bago magmiting:

  • Masayang batiin ang mga tao sa kanilang pagdating.

  • Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa board. Ipaalala din sa kanila na pumunta sa pahina 205 at i-update ang kanilang progreso patungo sa sertipikasyon.

  • Mag-assign ng timekeeper.

Sa pagsisimula:

  • Magpamigay ng mga kopya ng contact information ng mga group member (mula sa huling miting).

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at ibang mga device.

  • Magsimula sa pambungad na panalangin (at himno, kung nais).

  • Tahimik na sabihin sa mga nahuling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Kumpletuhin ang principle 2 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa susunod na pahina.