Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nila.
-
Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting.
30 minuto bago magmiting:
-
Ayusin ang mga upuan paikot sa mesa para magkakalapit ang lahat.
-
Isulat ang commitment chart na ito sa board na may mga pangalan ng mga tao sa grupo mo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).
Pangalan ng group member
Nakipag-usap sa limang kustomer (Isulat ang #)
Sumubok ng dalawa o higit pang ideya sa marketing at inirekord ang mga resulta (Isulat ang #)
Nakapag-close ng benta nang 10 beses (Isulat ang #)
Nakamit ang weekly business goal (Oo/Hindi)
Nagawa ang alituntuin ng Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)
Nakapagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)
Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)
Gloria
8
3
15
O
O
O
O
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga tao sa pagdating nila.
-
Pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa board. Ipaalala din sa kanila na pumunta sa pahina 205 at i-update ang kanilang progreso patungo sa sertipikasyon. Tanungin kung sino sa kanila ang malapit nang matapos ang mga requirement para makakuha ng sertipikasyon. Pagkatapos ng miting, ipaalam sa stake self-reliance committee kung sino ang malamang na makakatapos ng mga requirement.
-
Mag-assign ng timekeeper.
Sa pagsisimula:
-
Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at ibang mga device.
-
Magsimula sa pambungad na panalangin (at himno, kung nais).
-
Tahimik na sabihin sa mga nahuling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.
-
I-set ang timer nang 20 minuto para My Foundation.
-
Tapusin ang principle 11 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa susunod na pahina.