Mga Naunang Edisyon
Mangakong Gawin


Mangakong Gawin

Larawan
arrow-brown

Paano ako magkakaroon ng progreso araw-araw?

Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa pahinang ito.

Basahin nang malakas sa iyong partner ang bawat ipinangakong gawin. Mangakong tuparin ang iyong mga pangako! Lumagda sa ibaba.

ANG AKING MGA IPINAPANGAKONG GAWIN

Maghahanda ako ng presentation tungkol sa aking negosyo.

Gagawa ako ng mga goal para sa aking negosyo.

Makakamit ko ang aking weekly business goal:

Gagawin ko ang alituntunin sa My Foundation at ituturo ito sa aking pamilya.

Magdadagdag ako sa aking impok na pera—kahit kaunti lang.

Ang aking lagda

Paano ako patuloy na magiging self-reliant?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa pahinang ito.

Basahin:Pumunta sa pahina 28 ng booklet na My Foundation para gawin ang pinakahuling aktibidad at magplano ng isang service project bilang isang grupo. Kapag tapos na, bumalik dito.

Basahin:Congratulations! Biniyayaan kayo ng Panginoon ng mga bagong kaalaman at kasanayan at kayo ay nakagawa ng mabubuting bagay. Magpatuloy sa pagsulong!

Para maipagpatuloy ang momentum ng negosyo mo, ikaw ay maaaring:

  • Mag-volunteer at maglingkod sa self-reliance center na malapit sa inyo. (Isang dahilan bakit nais nating maging self-reliant ay para makatulong sa iba. Ang makapaglingkod sa iba ay isang malaking pagpapala.)

  • Patuloy na makipag-usap sa inyong grupo. Patuloy na suportahan at hikayatin ang isa’t isa.

  • Patuloy na dumalo sa mga self-reliance devotional.

  • Patuloy na makipag-ugnayan sa inyong action partner. Suportahan at hikayatin ang isa’t isa.

Patuloy akong magkakaroon ng progreso sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga pangako.

Ang aking lagda

Basahin:Magtatapos na tayo sa isang panalangin.

Tumatanggap ng Feedback

Ipadala ang inyong mga ideya, feedback, mungkahi, at karanasan sa srsfeedback@ldschurch.org.

Paaala sa Facilitator:

Tandaan na ireport ang progreso ng grupo sa srs.lds.org/report para makakuha ng mga sertipiko ang mga member.

Print