Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Kukuha ng Loan?

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod:

CARLOS: Napakahalaga ng araw na ito. Kukuha ako ng business loan!

NAOMI: Kukuha ka ng loan? Para saan?

CARLOS: Para sa lahat. Magpapatayo ako ng mas malaking kwarto para sa aking inventory. Bibili rin ako ng bagong TV at iba pang gamit sa bahay. Excited ako!

NAOMI: Grabe, nakakatakot iyan. Kakasimula pa lang ng negosyo mo noong nakaraang linggo. Carlos, hindi ka dapat kumuha ng loan. Maria, kumusta ang negosyo mo?

MARIA: Mabuti naman. Malakas ang benta ng mga itlog ko. Kadalasan ay naibebenta ko na lahat ito mga alas 9 pa lang ng umaga. Kaya kapag naghahanap ng itlog ang mga kustomer ko, wala na akong maibigay.

NAOMI: Maria, kailangan mo talaga ng mas maraming manok. Kumusta na iyong nilo-loan na pambili ng mas maraming manok? Nakuha mo na ba ang loan mo?

MARIA: Hindi pa. Medyo natatakot akong mag-loan. Siguro hindi ako dapat mag-loan. Kasasabi mo lang kay Carlos na huwag siyang mag-loan.

CARLOS: Maglo-loan pa rin ako. Solusyon ito sa lahat ng problema ko!

NAOMI: O baka sanhi ng marami pang bagong problema. Carlos, natatakot akong malubog ka sa utang na magpapahamak sa iyo.

Pero Maria, sa kaso mo, puwedeng makatulong sa iyo ang mag-loan.

MARIA: Paano ko malalaman kung makakatulong o makakasama sa akin ang loan?

NAOMI: Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay ginagamit ang “Apat na Tama” para makapagdesisyon kung ang isang business loan ay mabuting ideya para sa pagpapalago ng negosyo?

MARIA: Apat na Tama?

NAOMI: Oo. Kukuha ka lang ng loan kung mayroon kang tamang dahilan, tamang panahon, tamang halaga, at tamang terms.

CARLOS: Wala akong pakialam sa Apat na Tama. Kukuha ako ng loan!

MARIA: May pakialam ako. Gusto kong palaguin ang aking negosyo, pero ayokong magkaroon ng patung-patong na utang. Ipaliwanag mo nga sa akin ang tungkol sa Apat na Tamang iyan.

Bumalik sa pahina 135

Tamang Dahilan?

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod.

NAOMI: Ang dahilan sa paghiram ay dapat para sa negosyo, hindi para sa mga personal na dahilan.

CARLOS: Bakit hindi sa pareho? Magpapakasaya ako sa bagong TV ko at mapapalaki ko ang aking tindahan!

NAOMI: Naku, Carlos! Makinig ka, Maria, ang loan ay dapat para sa mga bagay na kaya mong maibenta kaagad, tulad ng mga bote ng gatas, o isang bagay na may maipo-produce agad, tulad ng isang manok na nangingitlog. Tandaan na kailangan mong simulan agad ang pagbabayad ng loan.

MARIA: Okey. Puwede akong bumili ng mga manok na nangingitlog na, at magkakaroon ako ng mga itlog na maibebenta agad.

NAOMI: Magaling! Kinonsidera mo na bang gumamit ng pera mula sa iyong negosyo para bumili ng mas maraming inahin kaysa mag-loan?

MARIA: Sandali, akala ko ba ang sabi mo ay dapat akong mag-loan?

NAOMI: Kapag nag-cash ka, puwede ka munang mag-impok ngayon at saka ka na bumili—kaunti ang paglago pero hindi gaanong delikado. Kapag nag-loan ka, makakabili ka ngayon at saka ka na magbabayad—mas malaki ang paglago pero mas delikado .

CARLOS: Oo. Okey sa akin ang “saka na magbabayad!”

MARIA: Talagang panay hiling ng mga kustomer ko na dagdagan ko pa ang mga itlog. Gusto ko nang makapagbenta agad ng mas maraming itlog!

NAOMI: Sulit bang mag-loan kahit delikado? Naisip mo na ba kung ano ang puwedeng maging problema?

MARIA: Hindi pa! Siguro isa na riyan ay baka tumigil sa pangingitlog ang mga inahin ko. O mamatay o manakaw ang mga ito. O baka tumigil sa pagbili ng itlog ang mga kustomer ko.

NAOMI: Paano mo mababawasan ang mga peligrong iyon?

MARIA: Hmmm. Pakakainin ko ng mga quality feeds ang mga manok ko at alagaan nang mabuti. Ikukulong sila para hindi manakaw ng iba.

NAOMI: Sa tingin mo ba ay tama ang dahilan mo sa pagkuha ng loan, Maria?

MARIA: Oo, sa tingin ko.

Bumalik sa pahina 135

Tamang Panahon?

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod.

NAOMI: Maria, gaano ka na katagal nagnenegosyo?

MARIA: Walong linggo na akong nagbebenta ng itlog ngayon, at maayos naman ang lahat.

NAOMI: Napakagaling! Ang ibang tao kasi kumukuha na agad ng loan para sa negosyo samantalang kakasimula pa lang—napakadelikado niyon!

CARLOS: Ako ba ang pinaparinggan mo? Alam ko ang ginagawa ko.

NAOMI: Maria, matagal-tagal mo nang napatakbo ang iyong negosyo, pero kasama ba ang pag-loan sa plano mong palaguin ang iyong negosyo?

CARLOS: Ito ang plano ko: Mas malaking tindahan, mas maraming benta!

MARIA: Carlos, sa tingin ko, parang hindi plano iyan. Nagplano akong kumuha ng loan, bumili ng mas maraming manok, makabenta ng mas maraming itlog kada linggo, at bayaran ang loan.

NAOMI: Magandang simula iyan sa plano mo, Maria. Kaya lang kailangan mo talagang alamin kung ilan talaga ang bilang ng mga manok at itlog. Nakakasiguro ka ba na bibili nang mas marami ang mga kustomer mo kung mas marami ang ibebenta mo?

MARIA: Naku, palagay ko bibilhin nila ang lahat ng itlog ko, pero hindi ako sigurado.

NAOMI: Kailangan mo munang alamin!

MARIA: Sige, kakausapin ko ang mga kustomer ko at gagawa ako ng listahan ng lahat ng bibili. Kakausapin ko kahit 10 man lang sa kanila.

NAOMI: Magaling! Kung magpapasiya kang mag-loan, makakatulong sa iyo na may listahan ka ng mga magiging kustomer para maipakita mo sa lender na alam mo talaga kung paano mo gagamitin ang loan.

NAOMI: Ito pa ang isang tanong. Kung hihiram ka ng pera para bumili ng mga bagong inahin, patuloy ba silang mangingitlog kahit nabayaran mo na ang loan mo?

MARIA: Siyempre. Dapat mangitlog ang mga manok nang mga dalawang taon pa, at ang plano kong kuning loan ay iyong babayaran ko nang anim na buwan lang.

Bumalik sa pahina 137

Tamang Terms?

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod.

CARLOS: Hoy! Nakuha ko na ang loan ko! 1000 na may flat 3% interest rate kada buwan.

NAOMI: Naku, Carlos! Nag-aalala ako para sa iyo. Ilang lender ang nakausap mo?

CARLOS: Siyempre, isa lang. Ayokong masayang ang oras ko. Dapat ay nakita mo ako. Pumasok ako at sinabi kong, “Gusto ko ng loan—ngayon na!” At ang sabi nila ay, “Sige po, sir.” Tinrato nila ako na parang isang hari. Mahal ako ng mga iyon.

NAOMI: Oo nga, sigurado akong mahal ka nila. Iyan ba ang mga papeles ng loan? Pwede bang makita?

CARLOS: Sige lang. Pero humanda kang mamangha! Ang ganda ng napagkasunduan namin.

NAOMI: Carlos, ang pangit ng mga terms. 200 sa up-front fees? Lingguhan ang bayad? Tiningnan mo ba ang mga terms na ito?

CARLOS: Ano? Baka nagkakamali ka. Wala akong maalalang ganyang mga bagay. Naku po, baka hindi ko talaga nakitang mabuti.

NAOMI: Maria, anong mga terms ang nakita mo?

MARIA: Nakipag-usap ako sa tatlong lender. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng lender worksheet mula sa self-reliance group mo. Nakatulong ito sa akin na maitanong ang mga dapat kong malaman. Masaya ako na nalaman ko ang tungkol sa mga posibleng penalty, rates ng interes, bayad, at komisyon.

Dalawa sa mga lender ay may flat interest rate. Pero ang isang lender ay may declining interest rate.

CARLOS: Ano ang pagkakaiba?

MARIA: Hindi ko talaga masyadong naiintindihan ang pagkakaiba. Ang alam ko lang ay kung ang mga rate ay pareho, ang declining ay mas mabuti kaysa sa flat.

NAOMI: Tama iyan, Maria. Palagay ko nagsisimula mo nang makita ang tamang terms.

Bumalik sa pahina 137

Tamang Halaga?

Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod.

NAOMI: Carlos, okey ka lang ba? Mukha kang malungkot.

CARLOS: Tama ka, Naomi. Nagpapatong-patong na ang mga penalty, at malapit na akong malubog sa utang.

NAOMI: Carlos, nakakalungkot talagang marinig iyan.

CARLOS: Kinuha ng lender ang telebisyon ko. Kapag nagmintis ako sa susunod na bayad, kukunin daw niya ang mga supply ng negosyo ko at isusunod naman ang mga equipment.

MARIA: Carlos, sa tingin ko hindi sapat ang iyong cash flow.

CARLOS: Cash flow?

NAOMI: Iyon ang pera na pumapasok at lumalabas sa iyong negosyo. Sa ngayon, wala kang sapat na perang pumapasok para mabayaran ang loan.

CARLOS: Hindi ko akalaing hihina ang benta ko. Hindi ako nakakabayad sa oras. Nadaragdagan ang mga penalty kaya mas lalo akong nahihirapang magbayad.

NAOMI: Carlos, iyan ang dahilan kung bakit kailangan mo ng anim na buwang cash flow statement bago ka magdesisyong mag-loan. Nakagawa ka na ba ng ganoon?

CARLOS: Hindi.

NAOMI: Ang cash flow statement ay tumutulong sa iyo na malaman mo kung kaya mong magbayad ng loan kada buwan. Mayroon ka bang mga income statements para sa nakaraang dalawang buwan?

CARLOS: Wala akong ganoon.

MARIA: Puwede kong dalhin ang akin at ang mga cash flow statement na ginagawa ko. Maipapakita namin sa iyo kung paano ito gawin.

NAOMI: Mabuti! Tutulungan ka naming gumawa ng cash flow statement. Pagkatapos ay malalaman mo na kung tama ba ang halagang hinihiram mo.

Bumalik sa pahina 138

Checklist para sa Apat na Tama

Itanong sa inyong sarili ang mga tanong na ito. I-tsek ang bawat tanong kung ang sagot mo ay “oo.”

APAT NA TAMA

Tamang Dahilan?

  • Humihiram ba ako para gamitin sa isang magandang negosyo (hindi para sa personal na gamit)?

  • Mas mabuti ba ang loan kaysa sa cash para mapalago ang aking negosyo?

  • Ang mga bagay ba na bibilhin ko gamit ang loan ay mabilis na makapagbibigay sa akin ng pera?

  • Alam ko ba ang lahat ng maaaring maging problema?

Tamang Panahon?

  • Matagal na ba akong nagnenegosyo na sapat para malaman ko nang husto ang aking negosyo?

  • Kasama ba ito sa plano kong lumago ang negosyo ko?

  • Mapapatunayan ko ba na bibili ng mas marami ang mga kustomer kung marami rin ang ibebenta ko?

  • Kung bibili ako ng isang bagay para sa negosyo ko (tulad ng isang manok o trak) mas tatagal ba ito kaysa sa aking ni-loan?

Tamang Terms?

  • Makapaglilista ba ako ng tatlo hanggang limang lender?

  • Alam ko ba ang tunay na halaga ng aking loan?

  • Maipapaliwanag ko ba ang lahat ng terms ng aking loan?

  • Maipapaliwanag ko ba kung bakit mas magandang magpa-loan ang isang lender kaysa sa iba?

Tamang Halaga?

  • Nakagawa ba ako ng anim na buwan na cash flow statement?

  • Makakabayad ba ako at kikita pa rin?

  • Kung wala akong dagdag na benta, makakabayad pa rin ba ako?

Loan Terms Worksheet

Dalhin ang Loan Terms Worksheet na ito kapag bumisita sa mga lender.

  • Itanong sa mga lender ang mga tanong 1–4.

  • Itanong sa sarili ang mga tanong 5-6.

LENDER #1:

LENDER #2:

LENDER #3:

LENDER #4:

1. Mga Qualification: Ano ang kailangan kong ibigay o ipakita sa iyo (sa lender) para makakuha ako ng loan?

2. Frequency ng Bayad: Kailan ang unang bayad? Gaano kadalas ako kailangang magbayad? Maaari ba akong humingi ng kopya ng repayment schedule?

3. Mga Penalty: May mga bayad o mga penalty ba kung hindi ako makakabayad sa oras?

4. Mga Direct na Cost: Kung hihiram ako ng 100, 1000, o 10000 (pumili ng isang halaga base sa iyong lokal na currency at gamitin ito sa bawat lender), magkano ang dapat koung ibayad pagkatapos kong mabayaran ang loan, kasama na ang lahat ng interes, mga fee, atbp.? Kung hihiram ako nang sapat para sa isang asset, halimbawa, isang manok, magkano ang dagdag na bayad sa ni-loan? Magkano ang upfront fees? Magkano ang bawat bayad? Flat ba o declining ang interest rate?

5. Mga Indirect na Cost: Gaano katagal babayaran ang loan? Magkano ang gagastusin ko sa pagpunta sa lender para magbayad rito?

6. Ang Tunay na Cost ng Loan: Ano ang kabuuang halaga ng mga direct cost at mga indirect cost? (Idagdag ang mga cost mula sa mga tanong 4 at 5.)

Anim na Buwang Cash Flow Statement

Kopyahin ang cash flow worksheet na ito sa iyong business notebook. Gumamit ng isa para sa bawat lender para makita mo kung kaya mong bayaran ang mga loan term na matututuhan mo sa linggong ito.

CASH FLOW

Pangalan ng Lender:

Nakaraang 2 Buwan

Nakaraang buwan

Sa Buwang Ito

Sa Kasunod na Buwan

Buwan 3

Buwan 4

Buwan 5

Buwan 6

Kabuuang Kita

Fixed na mga Gastusin

 Mga Bayad sa Loan

Mga Variable Payment

Kabuuang Tubo/Lugi

Starting Cash

Available Cash

Mga Tala