Mga Naunang Edisyon
Magreport


magReport

Larawan
circling arrows-green

Tinupad ko ba ang aking mga ipinangakong gawin?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa section na Magreport.

Basahin:Ireport natin ang ating mga ipinangakong gawin. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga pangako. (Palakpakan ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga pangako.)

Ngayon, magsitayo ang lahat. Ulitin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements:

Basahin:Magsiupo tayo.

Talakayin:Ano ang natutuhan mo nang obserbahan at interbyuhin mo ang mga may-ari ng negosyo at mga kustomer? Paano ito makakatulong sa negosyo mo?

Sa inyong business notebook, isulat kung ano ang natutuhan ninyo sa pagtupad sa inyong mga pangako.

Kung hindi ka pa nakakapili ng negosyo, anong mga iniisip mong inegosyo? Kung nakapili ka na ng negosyo, ano ito?

Kung may negosyo ka na, ano ang mga pinili mo para mapagbuti ito?

Ano ang natutuhan mo sa paggawa sa iyong weekly business goal?

Print