Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • I-text o tawagan ang mga group member kung mayroon ka ng contact information nila. Itanong kung makakarating sila sa miting. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para pumirma sa attendance roll.

  • Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting:

    • Magdala ng kopya ng workbook na ito at ng booklet na My Foundation: Principles, Skills, Habits para sa bawat group member.

    • Magdala ng limang ekstrang kopya ng booklet na My Path to Self-Reliance sakaling may mga group member na hindi nakatanggap ng kopya nito.

    • Maghanda ng paraan na maipanood ang mga video, kung maaari.

    • Walang mga aklat o mga video? Makakakuha kayo nito online sa srs.lds.org.

diagram ng mesa

30 minuto bago magmiting:

  • Ayusin ang mga upuan paikot sa mesa para magkakalapit ang lahat.

    • Ang facilitator ay hindi nakatayo habang nagmimiting at hindi nakaupo sa uluhan o head ng mesa. Ang facilitator ay hindi dapat ang sentro ng atensyon, kundi siyang dapat tumulong sa mga group member na magpokus sa isa’t isa.

10 minuto bago mag-miting:

  • Masayang batiin ang mga tao pagdating nila. Alamin ang kanilang mga pangalan.

  • Magpasa ng isang papel at ipasulat sa mga group member ang kanilang buong pangalan, ward o branch, at petsa ng kapanganakan (araw at buwan, hindi taon).

    • Pagkatapos ng miting ng grupo, pumunta sa srs.lds.org/report at sundin ang mga instruksiyon para marehistro ang mga group member.

    • Pagkatapos ng unang miting, gumawa ng contact list para ibahagi sa grupo.

  • Mag-assign ng timekepeer para makasunod sa iskedyul ang grupo. Ipa-set sa kanya ang timer ayon sa sinasabi sa aklat:

    • Halimbawa, makakakita ka ng mga instruksiyon na nagsasabing “Oras: I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.” Ang timekeeper ay magse-set ng oras sa phone, relo, o iba pang magagamit na timer at sasabihin sa grupo kapag tapos na ang oras. Pagkatapos, ang grupo ay magdedesisyon kung sisimulan ba ang susunod na section o magpapatuloy sa kanilang talakayan nang ilan pang minuto.

Sa pagsisimula:

  • Sabihin: “Welcome sa self-reliance group na ito.”

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at ibang mga device.

  • Sabihin ang mga sumusunod:

    • “Ito ay self-reliance group na tinatawag na Starting and Growing My Business.’ Narito ba kayong lahat para magsimula o magpalago ng negosyo?

    • “Ang Perpetual Education Fund ay hindi nagpapa-loan para sa negosyo. Ngunit pagkatapos ng mga miting na ito, magiging mas handa kayong gumawa ng mga desisyon tungkol sa mga loan mula sa mga local na lender.

    • “Magmimiting tayo nang 12 beses. Bawat miting ay tatagal nang mga dalawang oras. Gugugol din tayo ng isa hanggang dalawang oras bawat araw sa paggawa ng mga pangako na makakatulong sa ating mga negosyo. Mag-uukol ba kayo ng oras para dito?

  • Magsimula sa pambungad na panalangin (at himno, kung nais).

  • Sabihin ang mga sumusunod:

    • “Sa tuwing magmimiting tayo, magsisimula tayo sa isang paksa mula sa booklet na tinawatag na My Foundation: Principles, Skills, Habits. Makakatulong ito sa atin na matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin, kasanayan, at gawi para maging self-reliant tayo sa espitituwal at temporal.

    • “Ang Espiritu Santo ay magbibigay sa inyo ng mga ideya sa buong linggo. Isulat ninyo ang mga ideya at gawin ito. Habang ginagawa ninyo ito, bibiyayaan kayo ng Panginoon at gagawa Siya ng mga himala para sa negosyo ninyo.”

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Basahin ang pambungad na liham ng Unang Panguluhan sa pahina 2 ng My Foundation. Pagkatapos ay tapusin ang principle 1 sa booklet na iyon at balikan ang workbook na ito.

Cover ng My Foundation