Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-orange

Bahagi tayo ng “Lord’s storehouse” (Kamalig ng Panginoon)

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa bahaging Pag-aralan.

Praktis:Bumuo ng mga grupo na may tig-tatlong katao. Ayusin ang mga upuan at humarap sa bawat isa.

  1. Ang isa sa inyo ay dapat magsabi sa iba ng isang accomplishment. Maaari mong sabihin: “Nabigyan ako ng award na ‘pinakamagaling na serbisyo’ ” o “Nag-misyon ako” (o iba pang katungkulan sa simbahan), o “Isa akong nanay.”

  2. Ngayon, kaagad na sasabihin ng dalawang ka-grupo mo ang mga kasanayan at abilidad na kailangan para makamit mo ang accomplishment na iyon. Gagawin nila ito sa loob nang isang minuto. Kung sinabi mong, “nagmisyon ako,” puwedeng sabihin kaagad ng dalawa na, “Kung gayon malakas ang loob mo, magaling na estudyante, masipag, isang lider, social worker, goal-setter, marunong makisama sa tao, isang guro, magaling magplano, at kayang gumawa ng mahihirap na bagay.”

  3. Ulitin ito sa bawat tao.

Talakayin:Ano ang naramdaman mo nang sabihin ng iba ang mga talento at kasanayan mo?

Basahin:Lahat ng mga kasanayan at abilidad na mayroon tayo ay bahagi ng storehouse o kamalig ng Panginoon.

Talakayin:Basahin ang banal na kasulatan sa kanan. Kaya ba ng grupo natin na magtulungan at “hangarin ang kapakanan” ng ibang mga group member?

Praktis:Gawin muna natin ang unang aksyon bilang grupo. May limang minuto tayo para magpasiya kung ano ang itatawag natin sa ating grupo.

Isulat ang pangalan ng grupo sa ibaba:

Ano ang gagawin natin sa grupong ito?

Basahin:Tayo ay magtutulungan bilang isang grupo para matulungan ang bawat isa na magsimula at magpalago ng ating mga negosyo. Mayroon din tayong mas malaking mithiin—ang maging self-reliant para mas makatulong tayo sa iba. Kung kaya nating itaguyod ang ating mga sarili, mas makakatulong tayo sa ibang tao.

Panoorin:Panoorin ang success story na “Samuel: Repair ng Computer.” (Kung wala kang access sa video, ipagpatuloy na lang ang pagbabasa sa ibaba.)

Praktis:Sa susunod na 12 linggo, sasagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa pagnenegosyo. Sama-sama ninyong basahin ang mga tanong sa pagnenegosyo na masasagot sa self-reliance group na ito.

LINGGO

PAANO KO SISIMULAN ANG AKING NEGOSYO

LINGGO

PAANO KO MAPAPALAGO ANG AKING NEGOSYO

1

Paano ko sisimulan o pagbubutihin ang aking negosyo?

7

Paano ko mapapalago ang aking negosyo?

2

Ano ang gustong bilhin ng mga tao?

8

Magkano ang kaya kong puhunan para mapalago ang aking negosyo?

3

Paano ako makakabili ng aking produkto at makakapagpresyo nang tama?

9

Paano ko malalaman kung dapat akong magloan para mapalago ang aking negosyo?

4

Paano ko malalaman kung kumikita ang aking negosyo?

10

Paano ako makakapaghikayat ng mas maraming kustomer at makabenta?

5

Paano ko paghihiwalayin ang pera ng aking negosyo at ng aking pamilya?

11

Paano ko madadagdagan ang aking kita?

6

Paano umuunlad ang aking negosyo?

12

Paano ko maipapagpatuloy ang pagpapabuti ng aking negosyo?

Basahin:Bawat linggo, tayo ay gagawa ng mga pangako, kikilos, dadalo sa mga miting nang nasa oras, at magrereport sa grupo. Kapag nakikipagtulungan tayo sa grupo, tayo ay sama-samang magtatagumpay! Heto ang tanong at gawain para sa linggong ito.

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Saan ako dapat magpokus para masimulan o mapalago ang aking negosyo?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Gagamitin ang Business Success Map araw-araw para matutuhan kung saan ko dapat ipokus ang mga gagawin ko para masimulan at mapalago ang aking negosyo.

Ang natitirang bahagi ng miting na ito ay tutulong sa ating masagot ang tanong na ito at magawa ang gawaing ito.

Paano ko mapapangasiwaan nang matalino ang aking pananalapi?

Basahin:Kabilang sa pagiging self-reliant ang paggasta nang mas maliit sa kinikita natin at pag-iimpok ng pera. Ang pag-iimpok ay makatutulong sa atin na matugunan ang di-inaasahang mga gastusin o tutulong sa atin na maglaan para sa ating sarili at sa ating mga pamilya kapag mas mababa kaysa inaasahan natin ang ating kita. Bilang bahagi ng grupong ito, nangangako tayong mag-iimpok linggu-linggo, kahit kaunti.

Talakayin:Sa ilang lugar, magandang ideya na mag-impok ng pera sa bangko. Sa ibang lugar, hindi ito magandang ideya, halimbawa nito ay kapag ang isang bansa ay may mataas na inflation o kapag hindi matatag ang mga bangko. Ang kondisyon ba sa lugar ninyo ay maganda para sa pag-iimpok sa bangko? Aling mga bangko ang nag-aalok ng pinakamataas na rate sa savings?

Basahin:Isa pang bahagi ng pagiging self-reliant ay ang kawalan ng utang. Nangungutang tayo para ipanggastos sa hindi kayang bilhin ng pera natin. Pinayuhan tayo ng mga propeta na iwasang mangutang, at habang mas nagiging self-reliant tayo, unti-unti nating mababawasan at mababayarang lahat ang ating utang. Gayunpaman, sa ilang pagkakataon, makakatulong ding umutang para sa negosyo. Bilang bahagi ng grupong ito, matututuhan natin kung paano malaman kung makakatulong sa pagpapalago ng negosyo natin ang loan.

Ang mga medical emergency ay kadalasang nagdudulot ng napakalaking gastusin. Ang insurance at mga programa sa healthcare ng gobyerno ay madalas na nakakatulong sa mga gastusing ito. Ang pagkuha ng insurance o ng isang healthcare program ng gobyerrno ay maaaring maging mahalagang bahagi ng ating landas patungong self-reliance.

Talakayin:Ang ilang uri ng insurance (tulad ng health insurance at life insurance) ay mas madaling makuha at mas makakatulong kaysa sa ibang uri ng insurance. May mga insurance provider na tapat at mayroong hindi. Ano ang pinakamagandang opsyon sa insurance sa lugar ninyo?

Paano ako magiging matagumpay na may-ari ng negosyo?

Praktis:Inililista ng Business Success Map ang mga bagay na ginagawa ng matatagumpay na may-ari ng negosyo. Kumuha ng partner. Magpunta sa Business Success Map sa pinakahuling pahina ng workbook na ito.

Business Success Map

Magsalitan sa pagbasa kung paano nakakahanap ang matatagumpay na may-ari ng negosyo ng mga sagot sa tanong na “Ano ang gustong bilhin ng mga tao?“

Talakayin:Paano makakatulong ang Business Success Map na maging isa kang matagumpay na may-ari ng negosyo?

icon ng business map
Basahin:

Sa workbook na ito, kapag nakita ang simbolong ito, alam natin na ang alituntuning ito ay nasa Business Success Map.

Ang Business Success Map ay hindi lamang para sa ating mga miting. Gagamitin natin ito nang regular. Sa tuwing magkakaroon tayo ng problema o pagkakataon, tingnan natin ang ating Business Success Map para makita kung ano ang gagawin ng isang matagumpay na may-ari ng negosyo.

Paano ko mapagbubuti ang negosyo ko?

Basahin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay malinaw na nailalarawan ang kanilang negosyo. Nakakatulong ito sa kanila na magpokus sa kung ano ang kumikita at kung ano ang hindi. Ito rin ay tumutulong sa kanila na humingi ng tulong mula sa iba, tulad ng ibang mga may-ari ng negosyo o sa mga lender. Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay mino-monitor ang pag-unlad ng kanilang negosyo.

Ngayong linggo, kumuha ng isang blankong notebook para sa iyong negosyo. Gagamitin mo ang notebook na ito para isulat ang iyong mga naiisip at ideya para sa iyong negosyo at para irekord ang mga business transaction mo. Gagamitin natin ang mga business notebook sa ating mga miting at sa buong linggo.

icon ng notebook

Sa workbook na ito, kapag nakita natin ang simbolong ito, ipinapaalala nito sa atin na magsulat sa ating business notebook.

Paano ako mag-oobserba ng negosyo at mag-iisip tungkol sa business success?

Basahin:Bilang bahagi ng gawaing ipapangako sa linggong ito, pag-aaralan natin ang paggamit ng Business Success Map para ma-obserbahan at makita kung ito ay sumusunod sa mga alituntunin para magtagumpay.

Praktis:Bumuo ng mga grupo na may tig-tatlong miyembro. Ayusin ang mga upuan at humarap sa bawat isa. Gamit ang Business Success Map, sundin ang mga instruksiyong ito:

  1. Tukuyin ang isang lokal na negosyo na pamilyar kayong lahat. Pagkatapos, isang tao ang magbibigay ng tanong mula sa map. Halimbawa, “Sa tindahan ng furniture, mukha bang alam ng may-ari kung ano ang gustong bilhin ng mga tao?” O, “Mukha ba siya marunong magbenta?”

  2. Sa loob ng mga dalawang minuto, sasagutin ng iba ang tanong base sa kanilang kaalaman sa negosyo at sa mga alituntunin mula sa map. Halimbawa, “Oo, alam ng may-ari kung ano ang importante sa mga tao.” O, “Hindi, hindi gaanong alam ng may-ari kung paano mag-close ng sale.”

  3. Ulitin ito nang tatlo hanggang apat na beses.

  4. Ngayon, pag-usapan naman natin ang negosyo mo. Ginagawa mo ba ang mga bagay na ginagawa ng mga matagumpay na may-ari ng negosyo?

Praktis:Kasama ang partner, pumunta sa mga pahina 13–14. Basahin at talakayin kung paano ka mag-oobserba ng mga negosyo ngayong linggo.

Bakit nais ng Panginoon na maging self-reliant tayo?

Talakayin:Bakit nais ng Panginoon na maging self-reliant tayo?

Basahin:Basahin ang quotation sa kanan.

Talakayin:Paano magsisilbing isang “banal na layunin,” tulad ng sinabi ni Elder Christofferson, ang ating pagsisikap na magsimula o magpalago ng isang negosyo?

Basahin:Ang Panginoon ay may kapangyarihang tulungan tayo na maging self-reliant. Sinabi niya, “Masdan, ako ang Diyos; at ako ay Diyos ng mga himala” (2 Nephi 27:23). Habang ating hinahandog, o inilalaan, ang ating mga pagsisikap sa mga negosyo natin para sa banal na layunin na maging self-reliant, ang Panginoon ay gagabayan tayo sa pamamagitan ng inspirasyon. Kapag ipinapakita natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod sa mga pahiwatig, gagawa ang Panginoon ng mga himala at higit na pag-iibayuhin ang ating mga pagsisikap kaysa magagawa natin para sa ating sarili.