Bawat araw sa linggong ito, obserbahan, isaalang-alang, at pag-isipang mabuti ang mga alituntunin ng business success. Bumisita nang isa hanggang dalawang oras bawat araw sa mga negosyo para obserbahan ang mga ito. Dalhin ang iyong notebook at ang workbook na ito kapag bibisita ka sa mga lokal na negosyo para magamit mo ang mga sumusunod na mga tanong at ang Business Success Map (sa pinakahuling pahina ng workbook na ito).
MGA GAWAIN ARAW-ARAW:
Araw 1
Mga kustomer
Tingnan kung ano, kailan, at magkano ang binibili ng mga kustomer. Repasuhin ang mga customer principles na nasa map. Irekord ang iyong mga naisip dito:
Araw 2
Pagbebenta
Paano ibinebenta ng mga negosyo ang kanilang mga produkto o serbisyo? Mapapahusay pa ba ang mga ito? Repasuhin ang mga sales principles na nasa map. Irekord ang iyong mga naisip dito:
Araw 3
Gastos
Isipin ang mga ginastos ng mga negosyante. Paano nila pinapaliit ang mga gastos? Repasuhin ang mga cost principle na nasa map. Irekord ang iyong mga naisip dito:
Araw 4
Kita
Inirerekord at mino-monitor ba ng mga negosyante ang kanilang kita o gastos? Kung negosyo mo ito, paano mo irerekord at imo-monitor ang iyong pera? Repasuhin ang mga profit principle na nasa map. Irekord ang iyong mga naisip dito:
Sa susunod na dalawang araw, pag-isipang mabuti at ipagdasal ang katiyakan na bibiyayaan ng Panginoon ang iyong pagsisikap na makapaghatid ng banal na layunin ang iyong negosyo. Irekord ang mga impresyon na natatanggap mo bawat araw habang iniiisip mo ang bawat section ng Business Success Map.