Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig
Nigeria
Noong 1950s, ilang Nigerian ang nagsimulang mag-aral tungkol sa Simbahan sa pamamagitan ng mga artikulo sa magasin at literatura ng Simbahan. Nagpadala sila ng mga liham sa headquarters ng Simbahan na nagpapahayag ng hangaring maragdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa mga turo ng Simbahan.
Bilang tugon, naisip ng mga lider ng Simbahan na simulan na ang gawaing misyonero sa bansa. Gayunman, isang giyera-sibil, hirap sa pagkuha ng visa, at hamon sa pagkakaroon ng sapat na maytaglay ng priesthood para mapamahalaan ang Simbahan ang pumigil sa mga lider na magtatag ng opisyal na mga unit ng Simbahan sa lugar.
Sa wakas ay nakapagpadala na roon ng mga misyonero ang Simbahan noong 1978. Nang dumating ang mga unang misyonero, nakakita sila ng malalaking grupo ng mga tao na interesado sa ebanghelyo. Ang unang binyag ay isinagawa noong Nobyembre ng taong iyon, at sa araw ding iyon, inorganisa ang unang branch ng Simbahan.
Noong 1987 umabot na sa halos 10,000 ang mga miyembro ng Simbahan doon, at noong 1999, mas marami na ang mga miyembro ng Simbahan sa Nigeria kaysa alinmang bansa sa Africa, na 42,746 ang kabuuang bilang ng mga miyembro. May templo na ngayon ang Nigeria sa Aba, na inilaan ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) noong 2005.
Ang Simbahan sa Nigeria | |
Bilang ng mga Miyembro |
83,919 |
Mga Mission |
4 |
Mga Stake at District |
32 |
Mga Ward at Branch |
256 |
Mga Templo |
1 |