Para sa Maliliit na Bata Isang Paglalakbay sa Ilang Si Nephi ay nanirahan kasama ang kanyang pamilya sa Jerusalem. Ang kanyang amang si Lehi ay isang propeta. Ang kanyang ina ay si Saria. Ang kanyang mga kapatid ay sina Laman, Lemuel, at Sam. Nanalangin ang ama ni Nephi. Sinabi sa kanya ng Ama sa Langit na kailangang lisanin ng kanyang pamilya ang lungsod para maging ligtas sila. Mahirap para sa kanila na iwan ang kanilang tahanan. Ngunit sumunod ang pamilya ni Nephi. Nagtungo ang pamilya ni Nephi sa ilang. Pagkatapos ay sinabi ng Ama sa Langit na kailangang bumalik sa lungsod si Nephi at ang kanyang mga kapatid para kunin ang mga banal na kasulatan. Mahirap gawin iyon. Ngunit naging mabuting halimbawa si Nephi nang ayaw sumunod ang kanyang mga kapatid. Sinabi niyang gagawin niya ang ipinagagawa ng Ama sa Langit. Binigyan ng Ama sa Langit ng espesyal na kompas ang pamilya ni Nephi. Tinatawag iyong Liahona. Nang sumunod ang pamilya ni Nephi sa Ama sa Langit, ipinakita nito sa kanila ang landas na lalakbayin sa ilang. Ipinakita pa nito kay Nephi kung saan makakahanap ng pagkain para sa kanyang pamilya. Maaari tayong maging katulad ni Nephi kapag sinunod natin ang mga kautusan at sumunod tayo sa Ama sa Langit!