Sumusulong ang mga Templo
Noong 2015, limang templo ang inilaan, dalawa ang muling inilaan, at nag-groundbreaking para sa apat pang iba.
Mga templong inilaan noong 2015: Córdoba, Argentina; Payson, Utah, USA; Trujillo, Peru; Indianapolis, Indiana, USA; at Tijuana, Mexico.
Mga templong muling inilaan noong 2015: Mexico City, Mexico at Montreal, Quebec, Canada. Ang Fiji Suva Temple ay naka-iskedyul na muling ilaan sa Pebrero 2016.
Mga groundbreaking na idinaos noong 2015: Star Valley, Wyoming, USA; Cedar City, Utah, USA; Concepción, Chile; at Tucson, Arizona, USA.
Isinara ang Frankfurt at Freiberg Germany Temple para sa renobasyon noong nakaraang taon, at isasara ang Jordan River Utah Temple para sa renobasyon simula sa Pebrero 2016. Ang Provo City Center Temple sa Provo, Utah, USA, ay ilalaan sa Marso 2016.
Ang Simbahan ay may 148 templong gumagana sa buong mundo, at may 11 iba pang itinatayo at 14 na ibinalitang itatayo ngunit hindi pa nasisimulan.