2016
Ang kaibigan ko ay hindi na aktibo sa Simbahan dahil pinagtatawanan ito ng ibang mga tao. Ano ang dapat kong gawin?
Enero 2016


Ang kaibigan ko ay hindi na aktibo sa Simbahan dahil pinagtatawanan ito ng ibang mga tao. Ano ang dapat kong gawin?

Ang pinakamagandang gawin sa sitwasyong iyan ay: (1) maging mabait, mapagmahal, at maunawain sa kaibigan mo at (2) huwag mag-alinlangan kailanman sa iyong patotoo.

Kung gagawin mo ang mga bagay na ito, maaaring madama ng kaibigan mo ang iyong pagmamahal at pag-unawa at gugustuhin niyang makasama ka. Bukod diyan, maaaring makita niya na hindi maganda ang mangutya at manlibak at na sinumang nararapat sa kanyang paghanga at pakikipagkaibigan ay hindi lalaitin ang mga paniniwala ng ibang tao sa gayong paraan.

Ang halimbawa mo ay maaaring maging isa sa pinakamagagandang bagay na makikita ng kaibigan mo. Tularan ang mga tao sa panaginip ni Lehi na kumain ng bunga ng punungkahoy ng buhay at nilibak ng mga tao sa malaki at maluwang na gusali ngunit “hindi … sila pinansin” (1 Nephi 8:33). Kung makita ng kaibigan mo na pinaninindigan mo ang iyong mga paniniwala at tinitiis ang panlilibak ng iba nang may dignidad, paggalang, at masayang disposisyon, maaaring makita niya na posible rin niyang gawin iyon. Kung mayroon pa ring binhi ng patotoo sa kanyang puso, ang halimbawang ipinapakita mo at ang patotoong ibinabahagi mo ang maaaring ilan sa mga bagay na makakatulong para madama niya ang Espiritu at maalala ang dati na niyang alam.