2016
Ang Handog-Ayuno ni Wilford
Enero 2016


Ang Handog-Ayuno ni Wilford

Product Shot from January 2016 Liahona

Isang araw nakita ko ang panganay kong si Wilford na naghahanda ng sobre ng ikapu. Malamang na mga limang taong gulang siya noon. Walang kinikitang pera si Wilford, kaya inisip ko kung bakit siya nagbabayad ng ikapu. Nang tanungin ko siya, sinabi niya sa akin na ang binabayaran niya talaga ay handog-ayuno.

Walang gaanong sariling pera si Wilford. Pero sabik pa rin siyang magbayad ng handog-ayuno.

Humanga ako sa pagpapakitang ito ng kabaitan. Tinanong ko siya kung bakit siya nagpasiyang gawin ito.

Sagot ni Wilford, “Wala po akong anumang kailangan. Pero alam ko pong nangangailangan ang iba.” Alam niyang makakatulong ang pera niya sa ibang tao. Masayang-masaya siya tungkol dito.

Nagturo sa akin ng magandang aral ang simpleng karanasang ito: talagang nakaayon ang mga bata sa Espiritu at may likas silang pagmamahal na katulad ni Cristo. May isang bagay si Wilford na hindi niya kailangan at alam niyang makakatulong ito sa ibang tao. Handa siyang magsakripisyo.

Mabuti ang mag-ipon ng pera. Pero tinuruan ako ng batang anak ko ng isa pang aral sa pamamagitan ng kanyang halimbawa. Sa pakikinig sa Espiritu, mapagpapala natin ang buhay ng iba kapag ibinahagi natin ang anumang mayroon tayo.