2016
Ang Pananampalataya ay Pinipili
Enero 2016


Tampok na Doktrina

Ang Pananampalataya ay Pinipili

Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin,” Liahona, Nob. 2015, 65.

Photograph of members watching conference in Kyiv, Ukraine.  Shot by Marina Lukach.

“Ang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo ay hindi isang bagay na maluwalhating lumulutang sa hangin. Ang pananampalataya ay hindi basta lamang natin natatamo o nananatili sa atin bilang karapatan ng pagkapanganay. Ito, tulad ng sinasabi ng mga banal na kasulatan ay, “kapanatagan … , ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita’ [Sa Mga Hebreo 11:1]. Ang pananampalataya ay nagbibigay ng espirituwal na liwanag, at ang liwanag na iyon ay nababanaag. Ang pananampalataya kay Jesucristo ay kaloob mula sa langit na matatamo lamang matapos nating piliing maniwala at hangarin at panghawakan ito. Ang inyong pananampalataya ay maaaring lumalakas o humihina. Ang pananampalataya ay alituntunin ng kapangyarihan, na mahalaga hindi lamang sa buhay na ito, kundi maging sa ating pag-unlad sa kabilang-buhay. Sa biyaya ni Cristo, maliligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang pangalan balang-araw. Ang kalakasan ng inyong pananampalataya sa hinaharap ay hindi basta mangyayari kung wala kayong pagpiling gagawin.”