Mensahe sa Visiting Teaching
Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo
Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at hangaring malaman kung ano ang ibabahagi. Paano pagpapalain ng pag-unawa sa doktrina tungkol sa pamilya ang mga pinangangalagaan ninyo sa pamamagitan ng visiting teaching? Para sa karagdagang impormasyon, magpunta sa reliefsociety.lds.org.
Sa pangkalahatang pulong ng Relief Society noong 1995, nang unang basahin ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” sinabi ni Bonnie L. Oscarson, Young Women general president: “Ipinagpasalamat at pinahalagahan natin ang kalinawan, kasimplihan, at katotohanan ng dokumentong ito na ibinigay sa pamamagitan ng paghahayag. … Ang pahayag tungkol sa pamilya ang naging sukatan ng paghatol sa mga pilosopiya ng mundo, at pinatototohanan ko na ang mga alituntuning itinakda … ay totoo ngayon katulad noong ibigay ito sa atin ng propeta ng Diyos halos 20 taon na ang nakalipas.”1
“Mula sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak,” dagdag pa ni Carole M. Stephens, unang tagapayo sa Relief Society general presidency, “nalaman natin na, ‘Sa buhay bago pa ang buhay sa mundo, kilala at sinamba ng mga espiritung anak na lalaki at anak na babae ang Diyos bilang kanilang Amang Walang Hanggan’2 …
“… Kabilang at kailangan tayo sa pamilya ng Diyos.”3
Nabubuhay tayo sa panahon na kailangang protektahan ng mga magulang ang kanilang tahanan at kanilang pamilya. Ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo“ ang gagabay sa atin.
Karagdagang mga Banal na Kasulatan
Mga Kuwento ng Buhay
“Sabi ni Lee Mei Chen Ho ng Tao Yuan Third Ward, Tao Yuan Taiwan Stake, naituro sa kanya ng pagpapahayag na ang mga ugnayan ng pamilya ay nakatutulong sa pagkakaroon ng mga banal na katangian tulad ng pananampalataya, pagpapasensya, at pagmamahal. ‘Kapag sinisikap kong iayon ang sarili ko sa pagpapahayag, nakadarama ako ng tunay na kaligayahan,’ sabi niya.”4
Sabi ni Barbara Thompson, na naroon nang basahin ang pagpapahayag sa unang pagkakataon at kalaunan ay naglingkod bilang tagapayo sa Relief Society general presidency: “Inakala ko sandali na hindi naman talagang nauukol iyon sa akin dahil dalaga naman ako at walang mga anak. Pero kaagad ko ring naisip, ‘Pero talagang ukol iyon sa akin. Miyembro ako ng isang pamilya. Ako ay isang anak, kapatid, tita, pinsan, pamangkin, at apo. … Kahit na ako lang ang nabubuhay na miyembro ng aking pamilya, miyembro pa rin ako ng pamilya ng Diyos.’”5