2016
Sabik sa Paggawa
Enero 2016


Sabik sa Paggawa

Three images: 1)  In Latvia, members—dressed in Mormon Helping Hands vests and T-shirts—cleaned a community area, gathering 70 bags of trash. 2)  In the Solomon Islands, members helped install tanks to provide clean water for about 2,000 people. 3)  In Honduras, 600 Latter-day Saint youth worked alongside community members and medical and military representatives to clean areas that attract mosquitoes.

Mula itaas: Naglingkod ang mga boluntaryo sa Latvia, Solomon Islands, at Honduras.

Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay “sabik sa paggawa” (tingnan sa D at T 58:27) ng mabubuting bagay sa buong mundo. Narito ang ilang tampok na kaganapan mula noong nakaraang taon:

  • Sa Honduras, 600 kabataang Banal sa mga Huling Araw ang nakipagtulungan sa mga miyembro ng komunidad at mga kinatawan ng medisina at militar para linisin ang mga lugar na malamok.

  • Sa India, pininturahan ng mga kabataang Banal sa mga Huling Araw ang mga pasilyo at nilinis ang mga silid-aralan sa Government Girls High School sa Hyderabad.

  • Sa Latvia, ang mga miyembro—na nakasuot ng mga Mormon Helping Hands vest at T-shirt—ay nilinis ang isang lugar sa komunidad, at nakatipon ng 70 bag ng mga basura.

  • Sa Tonga, nagtipon ang mga Banal sa mga Huling Araw at nagpadala ng kamoteng-kahoy at rimas sa Vanuatu, para matulungan ang mga biktima ng Cyclone Pam.

  • Sa Malaysia, nakipagtulungan ang Simbahan sa mga ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng mga lutuan at refrigerator sa mga biktima ng baha at tinuruan ang kababaihan kung paano magluto gamit ang electric mixer at oven.

  • Sa Solomon Islands, tumulong ang mga miyembro na mag-install ng mga tangke para maglaan ng malinis na tubig sa mga 2,000 katao.

  • Sa Russia, sumali ang mga Banal sa mga Huling Araw sa paglilinis ng mga komunidad noong Sabado de Gloria.

  • Sa Turkey, sumali ang mga miyembro ng Simbahan sa koro ng iba’t ibang relihiyon na kinabilangan ng mga Katoliko, Protestante, at Muslim.