2016
Pagkilala sa Ama sa Langit: Isang Pag-aaral tungkol sa Isang Napakahalagang Paksa
Enero 2016


Pagkilala sa Ama sa Langit: Isang Pag-aaral tungkol sa Isang Napakahalagang Paksa

Product Shot from January 2016 Liahona

Nagdarasal ka sa Ama sa Langit, pero naisip mo na ba kung sino Siya? o kung bakit ka Niya tinulungang mahanap ang nawawala mong mga susi noong isang araw? o kung gaano ka Niya kakilala? o kung paano Siya nakikipag-ugnayan sa iyo?

Mabuti na lang, hindi pa huli ang lahat para malaman ang iba pa tungkol sa Diyos. Ngayon ang pagkakataon mong simulan ang pag-aaral ng banal na kasulatan na lubos na mahalaga, kung saan malalaman mo nang husto kung bakit ang Diyos ng sansinukob—kasama ang bilyun-bilyong espiritung anak—ay iniisip ka.

Ngunit maaaring mahirap simulan ang mahahalagang bagay, kaya hayaan mong tulungan ka ng flowchart na ito na magsimula.

Bawat araw maaari kang pumili ng isang tanong sa chart. Habang sinusundan mo ang mga hakbang at sinasagot ang mga tanong, isipin ang kaugnayan mo sa Ama sa Langit. Isipin ang papel na ginagampanan Niya sa buhay mo at itanong sa sarili kung ano ang magagawa mo para mas mapalapit sa Kanya.

Ano nga ba ang mga katangian ng Diyos?

Mateo 7:9–11

I Ni Juan 1:5

Eter 3:12

Aling mga salita ang namukod-tangi sa iyo? May naulit bang mga salita? Hanapin ang mga ito sa diksiyunaryo o sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Paano naging magkatulad ngunit magkaiba ang Ama sa Langit at si Jesucristo?

Juan 3:16, 35

Juan 17:20–23

Mormon 7:5–7

Maghanda ng isang lesson para sa family home evening tungkol sa natutuhan mo.

Bilyun-bilyon ang mga tao sa lupa! Paano ako makikilala ng Ama sa Langit?

I Samuel 16:7

Mga Awit 82:6

Lucas 12:6–7

Doktrina at mga Tipan 93:23

Ano ang pangunahing ideya sa bawat talata? Subukang ibuod ang mga ito sa wala pang limang salita.

Paano ko makikilala ang Ama sa Langit?

Juan 14:6–9

I Ni Juan 4:7

Alma 30:44

Doktrina at mga Tipan 132:22–24

Saliksikin sa LDS.org ang anumang mahahalagang salitang nakita ninyo sa mga talata. Bisitahin ang lds.org/media-library para mapanood ang video tungkol sa paksa.

Sinabihan tayo na makipag-usap sa Ama sa Langit sa panalangin. Pero paano nangungusap sa akin ang Ama sa Langit?

Doktrina at mga Tipan 1:38

Doktrina at mga Tipan 8:2–3

Doktrina at mga Tipan 9:8–9

Paano ka nakikipag-usap sa Diyos? Ano ang maaari mong baguhin dahil sa natutuhan mo?