Pagtatanggol sa Kalayaang Pangrelihiyon
Ang mga taong naniniwala na binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang pumili sa pagitan ng tama at mali ay kailangang magtulungan para palakasin ang kalayaang tangkilikin at ipamuhay ang kanilang mga paniniwala sa relihiyon, sabi ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol sa isang mensahe sa Argentine Council for International Relations.
“Ang pangangalaga sa kalayaang pangrelihiyon ay nakasalalay sa pag-unawa at suporta ng publiko para sa mahalagang kalayaang ito,” wika niya. “Nakasalalay ito sa pagpapahalaga ng publiko sa mga turo ng tama at mali sa mga simbahan, sinagoga, at moske. Kailangang tulungan ang mga nananalig at walang-pananalig na maunawaan na ang pananampalataya sa Diyos—paano man ito binigyang-kahulugan—ang naghihikayat sa mga tao na ugaliing ipamuhay ang mga turo ng kanilang relihiyon na kapaki-pakinabang sa bansa.”