2016
Pagpapatuloy sa Paglakad
Enero 2016


Pagpapatuloy sa Paglakad

Naisip na ba ninyo kung saan kayo papunta at kung saan ninyo gustong humantong? Ang tema ng Mutual para sa 2016 ay ang 2 Nephi 31:20, at ang isang talatang ito ay nagbibigay sa inyo ng pitong payo tungkol sa inyong direksyon sa buhay. Dito ay matutuklasan ninyo ang direksyon, pagkilos, pag-uugali, pag-aaral, na inuutos ng Diyos at ang gantimpalang ipinangako Niya para sa inyong pagsisikap. Tingnan natin ang ilang mahahalagang salita sa talatang ito.

Ang magpatuloy sa paglakad ay nagpapahiwatig na kailangan ninyo talagang sikaping labanan ang anumang hadlang. Kailangan nating maging masigla sa pamumuhay ng ebanghelyo dahil napapaligiran tayo ng maraming taong sumasalungat sa mga utos ng Diyos.

Kayo ba ay may katatagan kay Cristo? Hindi ba matinag ang inyong katapatan sa Kanya?

Kung kayo ay “mananatili sa Kanya” (tingnan sa Juan 15:4) at susunod sa Kanyang mga turo, tunay ngang kayo ay matatag at tiyak na mapagpapala.

Ang pag-asa at pagmamahal ninyo sa Diyos at sa tao ay nadaragdagan kapag personal ninyong naunawaan at nadama ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-unawang ito ay lumalago habang kayo ay nagpapakabusog sa salita ni Cristo, ibig sabihin, habang nagpapasalamat at naghahangad kayong sundin ang mga salita ni Cristo sa inyong sariling buhay.

At ang huli, kailangan ninyong magtiis! Nakakalungkot o nakakabagot ba iyan? Ang totoo, ang magtiis ay maaaring mangahulugan na ipagpatuloy ang kabutihang ginagawa ninyo—na magsikap palagi. Kapag patuloy kayong nakatahak sa landas ng ebanghelyo, nagtitiis kayo.

Sulit ba ito? OO! Nais ng mapagmahal nating Ama sa Langit na makabalik tayo sa Kanya, na magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan sa piling Niya dahil alam Niyang doon tayo magkakaroon ng tunay at walang-hanggang kaligayahan at kagalakan na higit pa sa kaya nating isipin ngayon. Iyan ang dahilan kaya sa 2 Nephi 31:20, ipinaliwanag Niya nang napakalinaw at partikular kung ano ang kailangan para makabalik sa Kanya. Magagawa natin ito sa tulong Niya. Lagi Siyang maghahanda ng paraan para magawa natin ang iniuutos Niya.