2016
Mga Kilos na Humahantong sa Kaligayahan
Enero 2016


Mga Kabataan

Mga Kilos na Humahantong sa Kaligayahan

Itinuturo ni Pangulong Eyring na “ang kaligayahang nais natin sa ating mga mahal sa buhay ay nakasalalay sa kanilang mga pagpili.”

Maaari kayong magbasa tungkol sa epekto ng mga pagpili sa mga halimbawa nina Nephi, Laman at Lemuel. Sina Laman at Lemuel ay bumulung-bulong at ayaw sundin ang mga utos (tingnan sa 1 Nephi 2:12). Dahil dito, sila at ang kanilang mga inapo ay isinumpa at itinakwil mula sa harapan ng Panginoon (tingnan sa 2 Nephi 5:20–24). Pinili ni Nephi na sundin ang mga utos (tingnan sa 1 Nephi 3:7), at dahil diyan, siya at ang kanyang mga tao “ay namuhay nang maligaya” (2 Nephi 5:27).

Maaari ninyong piliing magpakabuti at lumigaya. Pero malamang na ang mga tao sa paligid ninyo ay gumagawa pa rin ng mga maling pagpili na humahantong sa kalungkutan o hirap. Kahit desisyon nila iyon, maaaring maimpluwensyahan ng inyong halimbawa ang kanilang mga pagpili para sa kabutihan. Paano maaaring maghatid ng kaligayahan sa iba ang inyong mga pagpili? Talakayin sa inyong pamilya ang iba’t ibang paraan na maaari ninyong impluwensyahan sa kabutihan ang mga nasa paligid ninyo at tulungan silang makadama ng kaligayahan.