Paghahanap ng Pagkakatulad
Ang Sakramento
Kung minsan ay hindi lang isang tagapagsalita ang nagbibigay ng mensahe tungkol sa iisang paksa ng ebanghelyo. Narito ang sinabi ng tatlong tagapagsalita tungkol sa sakramento:
-
“Kung makikibahagi tayo sa sakramento nang may pananampalataya, tayo at ang ating mga minamahal ay mapoprotektahan ng Espiritu Santo mula sa mga tuksong dumarating nang mas matindi at madalas.” —Pangulong Henry B. Eyring, “Ang Espiritu Santo Bilang Inyong Patnubay,” 104.
-
“Ang araw ng Sabbath at sakramento ay nagiging mas kasiya-siya kapag pinag-aralan natin ang mga kuwento tungkol kay Cristo. Sa paggawa nito, lumilikha tayo ng mga tradisyon na nagpapalakas ng ating pananampalataya at patotoo at nagpoprotekta rin sa ating pamilya.” —Elder Claudio R. M. Costa, “Na Sila sa Tuwina ay Aalalahanin Siya,” 101.
-
“Ang napakagandang sandali para itanong sa Panginoon ang, “Ano pa ang kulang sa akin?” ay kapag tumatanggap tayo ng sakramento. … Sa mapitagang kapaligiran na ito, habang ang ating isipan ay nakatuon sa langit, marahang masasabi sa atin ng Panginoon ang susunod nating gagawin.” —Elder Larry R. Lawrence, “Ano Pa ang Kulang sa Akin?” 34.