2016
Mas Mabilis na Pagbabasa Bawat Araw
Enero 2016


Mas Mabilis na Pagbabasa Bawat Araw

Ang mga awtor ay naninirahan sa Utah, USA, at sa Bolivia.

Product Shot from January 2016 Liahona

Binuklat ni Joseph ang pahina sa kanyang aklat. Sumimangot siya. Dalawang pahina pa ang babasahin niya.

“OK ka lang ba?” tanong ni Mama.

“Gusto ko pong magbasa,” sabi ni Joseph. “Pero napakabagal ko. Paano po ako matututong magbasa nang mas mabilis?”

“May naisip ako,” sabi ni Mama. “Magbasa ka ng isang kabanata ng Aklat ni Mormon bawat araw. Tutulungan ka nitong matutong magbasa nang mas mabilis.”

Nagsikap si Joseph. Noong una natatagalan siya. Kinailangan niyang bigkasin nang malakas ang mahahabang salita. Ngunit patuloy siyang nagbasa bawat araw. Hindi nagtagal nakakabasa na siya ng mahigit sa isang kabanata.

Lumipas ang dalawang linggo. Lumipat ang bookmark ni Joseph mula sa 1 Nephi papunta sa 2 Nephi. Pagkatapos ay nasa aklat ni Jacob na ito!

Isang gabi si Joseph ang nakatokang magbigay ng lesson sa family home evening.

“Alam ko na ang gagawin ko!” naisip ni Joseph. Natagpuan niya ang aklat na Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon. May mga salita at larawan doon. Binuklat niya ang mga pahina hanggang sa matagpuan niya ang kuwentong akmang-akma.

Binasa ni Joseph ang kuwento sa kanyang pamilya. Binasa niya ang maiikling salita, gaya ng barko. Binasa niya ang mas mahahabang salita, gaya ng iniutos. Matagal nang isinulat ng mga propeta ang mga salitang ito. Madaling basahin ang mga salita.

Nang matapos ang kuwento, may luha sa mga mata ni Mama.

“OK lang po ba kayo, Mama?” tanong ni Joseph.

“Oo,” sabi ni Mama. “Masaya ako. Nagsikap ka nang husto.”

Todo ang ngiti ni Joseph.

“Nagbabasa po ako bawat araw, tulad ng sabi ninyo.” Ipinakita niya kay Mama ang kanyang Aklat ni Mormon. Nasa aklat ni Alma na ang bookmark niya!

Balang-araw aabot na sa dulo ng aklat ang bookmark ni Joseph. At pagkatapos ay puwede na siyang magsimulang muli!