Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.
“Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Pagtuturo ng mga Pangunahing Alituntunin sa Tahanan,” pahina 28: Ang artikulong ito ay may mga ideya sa pagtuturo at pagkatuto para sa anim na paksa. Magagamit mo ang ideya sa paksa ng mga kabataan para sa Enero, ang Panguluhang Diyos, sa isang family home evening. Maaari din ninyong repasuhin bilang pamilya ang mga pamamaraan sa pagkatuto na inilarawan sa artikulo at talakayin kung alin dito ang nakatulong nang malaki sa inyong pamilya. Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na gamitin ang mga pamamaraang ito sa paghahanda ng family home evening lesson sa hinaharap batay sa mga paksa ng ebanghelyo sa artikulong ito.
“Isang Paglalakbay sa Ilang,” pahina 76: Isiping gumawa ng maliit na obstacle course sa bahay ninyo, ayusin siguro ang mga muwebles at talian ng pisi ang mga pasilyo. Piringan ang bawat miyembro ng pamilya maliban sa isa na magtuturo sa iba pa kung paano lalagpasan ito. Pagkatapos ay maaari ninyong talakayin kung paano ginabayan ng Ama sa Langit si Nephi at ang kanyang pamilya tungo sa lupang pangako. Pagkatapos ay maaari ninyong talakayin ang mga paraang inilaan ng Ama sa Langit sa inyo at sa inyong pamilya para tulungan kayong makauwi nang ligtas sa Kanya.