2019
Ang Paglalaan ay Hudyat ng “Di-mapapantayang Hinaharap”
Mayo 2019


Ang Paglalaan ay Hudyat ng “Di-mapapantayang Hinaharap”

“Ang Simbahan ay magkakaroon ng di-mapapantayang hinaharap, na walang katulad,” sabi ni Pangulong Russell M. Nelson sa paglalaan ng Rome Italy Temple noong Marso 2019. “Ginagawa pa lamang natin ngayon ang saligan ng hinaharap.”

Sa paglalaan, ang lahat ng miyembro ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ay nagtipon sa kauna-unahang pagkakataon sa isang lugar sa labas ng Estados Unidos. “Bilang makabagong mga Apostol ni Jesucristo,” sabi ni Pangulong Nelson, “ibinabahagi namin ngayon ang siya ring mensahe na ibinahagi noon ng mga Apostol—na ang Diyos ay buhay at si Jesus ang Cristo.”

Bukod pa sa paglalaan ng templo, nagsalita si Pangulong Nelson sa mga kabataan sa distrito ng templo at nakipagkita kay Pope Francis, na unang pagkakataon na ang Pangulo ng Simbahan ay pormal na nakipag-usap sa puno ng Simbahang Romano Katoliko.