Elder L. Todd Budge
General Authority Seventy
Noong bata pa si Todd Budge, tinuruan siya ng kanyang mga magulang kung paano hangarin ang kalooban ng Panginoon. Buong buhay niyang sinikap na gawin ito sa bawat desisyon niya.
Pagkaraan ng ilang taon, nang silang mag-asawa ay nakatira na sa isang tahanan at may limang anak, nakadama siya ng mga espirituwal na patnubay na iwanan ang kanyang trabaho sa banking and finance. Ang pagbabagong ito ay mangangailangan ng malaking sakripisyo para maging matatag siya sa isang bagong trabaho.
Matapos ang maraming pagsisikap at paghahanda para sa pagbabago ng trabaho, nakilala ni Elder Budge ang isang tao na talagang kwalipikadong magbigay sa kanya ng payo. Ang taong ito ay nagmungkahi na manatili si Elder Budge sa kanyang trabaho sa bangko habang pinapaalalahanan siya na magkakaroon siya ng maraming pagkakataon na magpayo at tumulong ng mga tao. “Kailangan namin ng mga taong may integridad sa negosyo,” sabi sa kanya ng taong ito.
Itinuring ni Elder Budge ang pagkakataong iyon na magiliw na awa ng Panginoon. “Sa tingin ko ay nais Niyang malaman kung saan nakalagak ang aking puso,” sabi niya. “Matapos malaman ng Panginoon ang nasa puso ko, hindi na Niya hiningi ang sakripisyo, at nagtiwala ako na gagamitin Niya ako para sa Kanyang mga layunin kahit hindi ako magpalit ng trabaho.”
Naging daan ang kanyang trabaho para maging mabuting impluwensya siya mundo ng pagnenegosyo, at nakapagbukas pa siya ng mga pinto para maibahagi ang ebanghelyo sa Japan.
Si Lawrence Todd Budge ay ipinanganak noong Disyembre 29, 1959, sa Pittsburg, California, USA, at ang kanyang mga magulang ay sina Lowell Jensen at Deanna Price Budge. Nakilala niya si Lori Capener noong freshman pa sila sa Brigham Young University. Walong buwan matapos siyang makabalik mula sa kanyang paglilingkod sa Japan Fukuoka Mission, ikinasal sila sa Logan Utah Temple. Mayroon silang anim na anak.
Nang makapagtapos siya sa BYU noong 1984 na may bachelor’s degree sa economics, nagtrabaho si Elder Budge sa Bain & Company Japan; Citibank, N.A.; at GE Capital. Siya ay naging pangulo at chief executive officer ng Tokyo Star Bank Limited noong 2003, naglilingkod bilang chairman of the board ng bangko mula 2008 hanggang 2011.
Si Elder Budge ay naglingkod bilang Area Seventy, pangulo ng Japan Tokyo Mission, stake president, bishop, elders quorum president, at stake Young Men president.