2019
Iaayon ang Kurikulum ng Seminary sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mayo 2019


Iaayon ang Kurikulum ng Seminary sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ang pag-aaral sa seminary sa buong mundo ay iaayon na sa kurikulum at iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, isang pagbabago na magpapaibayo sa nakasentro sa tahanan at suportado ng Simbahan na paraan sa pag-aaral ng ebanghelyo sa pamamagitan ng nagkakaisang pag-aaral sa tahanan, Sunday School, at seminary.

Simula 2020, ang mga klase sa seminary ay mag-aaral ng parehong aklat ng mga banal na kasulatan na ginagamit para sa kurikulum ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa bawat taon. Sa halip na sumunod sa kalendaryo ng mga paaralan, ang kurso ng pag-aaral sa seminary ay susunod sa taunang kalendaryo.

Bagamat ang pag-aaral sa seminary ay mananatiling nakabatay sa mga banal na kasulatan, ang kurikulum ay magiging mas nakabatay sa doktrina at tutulong na palakasin, protektahan, at ihanda ang mga kabataan sa mga misyon, kasal, at paglilingkod sa Simbahan.