Inspiradong Pamamahala
Sa termino ni Pangulong Russell M. Nelson bilang pangulo:
-
Binago ang istraktura ng mga korum ng priesthood.
-
Pinalitan ng ministering ang home teaching at visiting teaching.
-
Isang bagong programa para sa personal na pag-unlad ng mga bata at kabataan ang nililikha.
-
Inihahanda ang mga bagong edisyon ng himnaryo at ng Aklat ng mga Awit Pambata.
-
Ginawa ang mga bagong gabay sa pag-iinterbyu ng mga bishop sa mga kabataan.
-
Binigyang-diin ang pagtawag sa Simbahan gamit ang buong pangalan nito.
-
Ang mga mission call ay ipinapadala online sa U.S. at Canada.
-
Ang pangalan ng Mormon Tabernacle Choir ay ginawang Tabernacle Choir at Temple Square.
-
Nagsimula ang nakasentro sa tahanan at suportado ng Simbahan na pag-aaral, na kinapapalooban ng pagbabago na pagkakaroon ng dalawang oras na mga miting tuwing Linggo.
-
Dalawampu’t pitong bagong templo ang ibinalita.
-
Ang lahat ng pageant sa Simbahan ay hindi na ipagpapatuloy maliban sa tatlo.
-
Ang paglipat ng mga Primary at kabataan, ordinasyon sa priesthood ng mga kabataang lalaki, at ang pagkakaroon ng temple recommend ng kabataan ay maaari na ngayong maganap sa Enero sa halip na tuwing birthday o kaarawan nila.
-
Ang mga sister missionary ay maaari nang magsuot ng pantalon.
-
Ang mga detalye na may kinalaman sa gawain sa templo ay ginawang mas akma.
-
Nilikha ang mga bagong mission at nagkaroon ng mga pagbabago sa mga hangganan, at dalawang missionary training center ang isinara.
-
Ang mga anak ng mga LGBT na magulang ay maaari na ngayong basbasan at binyagan, at ang patakaran tungkol sa mga kasal sa pagitan ng magkapareho ang kasarian o same-gender ay nilinaw.
At ipinangako ni Pangulong Nelson na sa patnubay ng Panginoon, marami pang pagbabagong darating!