Balita tungkol sa Mission
Pakikipag-ugnayan sa tahanan. Ang mga missionary ay pinapahintulutan nang makipag-ugnayan sa kanilang pamilya bawat linggo tuwing preparation day sa pamamagitan ng text messaging, online messaging, mga pagtawag sa telepono, at video chat bukod pa sa mga sulat at email.
Planning tool para sa paghahanda ng mga magmimisyon. Isang bagong online mission planning tool mula sa Missionary Department ng Simbahan ang makatutulong sa mga magmimisyon na mas pag-isipang mabuti kung kailan sila lubos na handang maglingkod sa Panginoon bilang missionary.
Mga service mission. Simula Enero 2019, ang mga batang Church-service missionary ay tinatawag nang “service missionaries.” Ang lahat ng mga young adult na nag-a-apply para sa missionary service ay gagawin ito sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng online portal, at lahat ng mission call—ito man ay proselyting mission o service mission—ay nagmumula sa propeta. Ang mga karapat-dapat na young adult na sa iba’t ibang kadahilanan ay hindi makapaglingkod ng proselyting mission ay maaaring matawag sa service mission.
Ang mga sister missionary ay maaari nang magsuot ng pantalon. Ang mga sister missionary ay may opsyon na ngayon na magsuot ng pantalon sa pang-araw-araw na gawain, pero dapat pa rin silang patuloy na magsuot ng bestida o palda kapag pumupunta sa templo at tuwing nagsisimba, dumadalo ng leadership at zone conference, baptismal service, at mga debosyonal sa missionary training center. Ang pagsusuot ng pantalon ay makatutulong na maproteksyunan ang mga sister mula sa sakit na dulot ng kagat ng lamok, magkaroon ng panlaban sa maginaw na panahon, at makapagbisikleta nang mas komportable.
Mga nilikhang mission, mga boundary na isinaayos muli. Apat na bagong mission ang nilikha, at labindalawang mission ang isasama sa mga kasalukuyang mission. Ang ganitong pagbabago ay nangyayari paminsan-paminsan upang makapag-akma sa bilang ng mga missionary na naglilingkod. Ang mga bagong mission ay ang Democratic Republic of the Congo Kinshasa East, Guatemala Antigua, Peru Limatambo, at Philippines Antipolo. Ang mga magulang na naglilingkod sa mga apektadong mission—binuo man o isinara na—ay makatatanggap ng karagdagang impormasyon mula sa kanilang mga mission president.
Bilang ng mga missionary training center binago. Upang mas magamit nang lubos ang mga missionary training center sa buong mundo, isinara ang mga center sa Argentina, Spain, Chile, at sa Dominican Republic. Sa pagsasarang ito, ang Simbahan ay gagamit ng 11 missionary training center, na matatagpuan sa Brazil; Colombia; England; Ghana; Guatemala; Mexico; New Zealand; Peru; Philippines; Provo, Utah, USA; at South Africa.
Mga video tungkol sa kaligtasan o seguridad. Ang bagong 12-bahaging serye ng mga video na tinatawag na The Safety Zone ay ginawa para mapag-ibayo ang kaligtasan ng 65,000 full-time missionary na kasalukuyang naglilingkod at mga maglilingkod pa lamang. Ang unang video ay ginawa upang panoorin ng mga magmimisyon pa lamang at ng kanilang mga magulang matapos matanggap ang mission call at bago pumasok sa missionary training center. Sa MTC, muling panonoorin ng missionary ang unang video gayundin ang 11 pang video. Palagi ring papaalalahanan ang mga missionary tungkol sa kaligtasan sa buong mission nila.