Pagbibigay-diin sa Tamang Pangalan
Upang matawag sa tamang pangalan ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, may mga pagbabago nang ipinapatupad sa mga communication channel.
Mga Pagbabago sa mga Website
-
Papalitan ng ChurchofJesusChrist.org ang LDS.org bilang pangalan ng official website ng Simbahan.
-
Ilang buwan mula ngayon, papalitan ng Newsroom.ChurchofJesusChrist.org ang MormonNewsroom.org.
-
Ang ComeUntoChrist.org ang ipapalit kalaunan sa Mormon.org, na kasalukuyang isinasaayos muli para mabigyan ang pangunahing gumagamit nito (sa labas ng Simbahan) ng mas personal na karanasan.
Mga Pagbabago sa mga Social Media Channel
-
Lahat ng pangunahing social media account ng Simbahan ay binago upang bigyang-diin ang pangalan ng Simbahan ng Tagapagligtas.
-
Maaaring sumali ang mga miyembro sa bagong Facebook group na may pangalang “The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints—Inspiration and News” upang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga balita at update at makabuo ng komunidad at koneksyon sa Simbahan.
Mga Pagbabago sa Mobile Apps
-
Papalitan ng mga Sagradong Musika ang LDS Music.
-
Ang Gospel Library app ay hindi babaguhin.
Asahan ang mga karagdagang pagbabago habang sama-sama nating pinagtutulungan na mabigyang-diin ang pangalan ng Simbahan ng Tagapagligtas, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.