2019
Elder Alan R. Walker
Mayo 2019


Elder Alan R. Walker

General Authority Seventy

Elder Alan R. Walker

Ang pag-aaral at pag-unawa nang husto ng mga bagong kultura ay isang libangan ni Elder Alan R. Walker sa buong buhay niya na lubos niyang magagamit sa kanyang tungkulin bilang isang General Authority Seventy.

Ipinanganak sa Buenos Aires, Argentina sa mga magulang na sina Victor Adrian Walker at Cristina Ofelia Sparrow Walker noong Enero 2, 1971, lumaki si Alan Roy Walker sa iba’t ibang bahagi ng Hilaga at Timog Amerika.

Ginugol niya ang kanyang mga unang taon sa Argentina bago lumipat ang kanyang pamilya sa Boston, Massachusetts, USA, at kalaunan sa Mexico City, Mexico, dahil sa trabaho ng kanyang ama.

“Ang pag-aaral ng Ingles ay isang napakalaking pagpapala,” sabi niya. At ang paglaki niya sa ebanghelyo ay nagtulot sa kanya na magkaroon ng patotoo at maghanda sa murang edad para sa misyon. Pagkatapos niyang pumasok sa Brigham Young University sa loob ng isang taon, naglingkod si Elder Walker bilang full-time missionary sa Tennessee Nashville Mission.

Para matulungan ang kanyang ama na gumaling mula sa isang matinding aksidente, ipinagpaliban muna ni Elder Walker ang kanyang mga plano na muling mag-aral pagkatapos ng kanyang misyon at bumalik sa Argentina. Noon niya nakilala si Ines Marcela Sulé sa isang institute dance. Pagkaraan ng walong buwan, noong Agosto 12, 1993, ikinasal sila sa Buenos Aires Argentina Temple. Nang sumunod na araw, ang mga bagong kasal ay lumipat sa Provo, Utah, USA, kung saan tinapos ni Elder Walker ang kanyang bachelor’s degree sa economics noong 1996.

Si Elder Walker ay nagtrabaho sa loob ng tatlong taon bilang isang corporate banker sa Citibank, anim na taon bilang controller para sa Simbahan sa South America South Area, 11 taon sa Mexico Area, at ang pinakahuli ay bilang director for temporal affairs ng South America South Area. Noong 2010, tinawag si Elder Walker na mamuno sa Mexico Monterrey East Mission.

Ang mga Walker, kasama ng kanilang anak na babae, ay nasisiyahang maglingkod sa iba, maglakbay, at malaman at makilala ang mga bagong lugar at mga tao.

Bago matawag bilang General Authority Seventy, naglingkod si Elder Walker sa iba’t ibang tungkulin sa Simbahan, kabilang na ang pagiging Area Seventy, tagapayo sa stake presidency, high councilor, bishop, tagapayo sa bishopric, at ward mission leader.