2019
Opisyal na Kinilala ang Simbahan sa Kuwait
Mayo 2019


Opisyal na Kinilala ang Simbahan sa Kuwait

Tinanggap ng Simbahan ang opisyal na pagkilala sa mga lokal na pinuno at organisasyon nito mula sa Estado ng Kuwait. Halos 300 mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang nakatira at nagtatrabaho sa Kuwait; nagmula sila sa maraming bansa sa buong mundo. Ang pormal na pagkilala ng pamahalaan ay nagpapahintulot sa mga lokal na pinuno na mas mainam na matugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro sa Kuwait.

Si Bishop Terry Harradine ng Kuwait Ward, Manama Bahrain Stake, ay nagpahayag ng pasasalamat sa pamahalaan ng Kuwait para sa pagtutulot nila ng kalayaan sa pagsamba sa Kuwait, lalo na para sa mga dayuhang manggagawa, at sa pagtataguyod ng pagpaparaya sa mga relihiyon sa bansa.