Children’s Art Exhibit
Kunin ang inyong mga krayola o pintura, at maghanda nang lumikha! Sa 2011, ang sining na gawa ng mga bata sa Primary mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay ipakikita sa isang eksibit sa Church History Museum at sa isang online art show. Narito kung paano kayo makakasali:
-
Lumikha ng isang sining batay sa temang “Pinagpapala ng Ebanghelyo ang Buhay Ko.” Ang inyong gawang-sining ay maaaring tungkol sa mga pamilya, templo, misyonero, propeta, mga banal na kasulatan, kalikasan, paglilingkod, mga pioneer, Primary, o mga aktibidad ng Simbahan.
-
Kailangang kayo ay nasa pagitan ng 5 at 12 taong-gulang, at isang gawang-sining lamang ang maaari ninyong ipadala.
-
Ang inyong gawang-sining ay dapat ilagay sa isang makinis na papel o tela. Ang laki nito ay hindi dapat lumampas ng 12 pulgada ang haba at 14 na pulgada ang lapad (30 cm sa 36 cm), at hindi ito dapat ilagay sa kuwadro.
-
Maaari kayong gumamit ng krayola, lapis, marker, tinta, charcoal, acrylic, watercolor, mga pastel, oil, o alinman sa iba pang two-dimensional na gamit.
-
Huwag magmadali para maging maganda ang kalabasan ng inyong gawang-sining. Dapat masakop ng inyong sining ang malaking bahagi ng inyong papel.
-
Isulat ang inyong buong pangalan sa likod ng inyong gawang-sining. Pasulatan at palagdaan sa isang magulang ang form sa ibaba. Pagkatapos ay iteyp ang form sa likod ng inyong gawang-sining.
-
Dapat ang tatak ng koreo sa inyong entry ay Hulyo 31, 2010 o bago sumapit ang petsang ito. Hindi na ibabalik sa inyo ang inyong gawang-sining.
Ang inyong entry ay maaaring itampok sa isang eksibit sa Church History Museum, mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2011; sa isang online art show sa mga Web site ng Friend at Liahona; o Sa Ating Pahina sa Liahona o sa Our Creative Friends sa Friend. Hindi lahat ng entry ay magagamit o masasama sa eksibit.
Mangyaring ipadala ang inyong entry sa:
Children’s Art Exhibit
45 N. West Temple St.
Salt Lake City, UT 84150, USA
Ang sumusunod na impormasyon at pahintulot ay dapat isama:
Buong pangalan ng bata
Edad
Estado/Probinsya, Bansa
E-mail address o phone number ng magulang
Ibinibigay ko ang pahintulot na matampok ang entry na ito sa isang eksibit, sa Web site ng Simbahan, at sa mga magasin ng Simbahan, at para sa lahat ng publisidad.
Lagda ng magulang o legal na tagapangalaga