2010
Ang mga Banal na Kasulatan ang Aking Kinakapitan
Abril 2010


Ang mga Banal na Kasulatan ang Aking Kinakapitan

Giccelly D., Venezuela

Nang magsimula ako sa seminary noong bagong miyembro ako ng Simbahan, hindi ko naisip na mga banal na kasulatan ang aking kakapitan, magiging aking pananggalang at proteksyon, kapanatagan at galak. Sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan nakilala ko ang magigiting na lalaki ng Diyos na nagtanggol ng kanilang mga paniniwala at pamilya at laging nagpupunyagi, matibay at matatag kay Cristo. Sila ay mapagpakumbaba, matiyaga, at puno ng pagmamahal, pag-ibig sa kapwa, at pananampalataya. Alam kong hangad nila sa kanilang puso na sa ating panahon ay ipamuhay natin ang bawat alituntuning itinuturo sa mga banal na kasulatan.

Bawat isa sa mga bayaning ito sa mga banal na kasulatan ay nakaimpluwensya sa akin, ngunit ang pinakahinangaan ko sa lahat ay ang mapagpakumbaba at masunurin mula pa sa pagkabata, ang taong nagpakita ng sakdal na halimbawa, ang pinagkakautangan nang malaki ng buong sangkatauhan. Ang taong iyon ay si Jesucristo. Hindi matutumbasan ng mga salita ang pasasalamat ko sa Kanya.

Itinuro sa akin sa seminary na ang mga banal na kasulatan ay hindi lamang dapat iimbak sa ating isipan kundi dapat itong ipamuhay. Nagpapasalamat ako sa bawat isa sa mababait kong titser, na tunay na mga kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon.