“Alagaan Mo ang Aking mga Tupa”
“Sumunod sa akin, at pakainin ang aking mga tupa” (D at T 112:14).
“Sinabihan ni Jesus si Pedro na alagaan ang Kanyang mga tupa. Sa ganyang paraan maipakikita ni Pedro kay Jesus na kanyang mahal Siya.”
“Inay, may kawan po ba ng tupa si Jesus noon?”
“Wala, mahal ko. Kung minsan si Jesus ay tinatawag na Mabuting Pastol, at tayo ay parang Kanyang mga tupa. Itinuturo ni Jesus kay Pedro na kung gusto nating ipakita kay Jesus na mahal natin Siya, dapat nating tulungan ang iba.”
“Iyan po ba ang dahilan kung bakit natin ihahatid ang pie kay Sister Jacobs pagkatapos ng family home evening?”
“Oo, iyan nga ang dahilan. Pero maganda kung may maiisip kang isang bagay na magagawa mo para maipakita kay Sister Jacobs na mahal mo siya.”
Inisip ni Olivia kung ano ang maaari niyang gawin. Naalala niya na talagang gusto nina Inay at Lola ang mga larawang idinodrowing niya.
“Alam ko na po! Puwede po akong gumawa ng isang kard para kay Sister Jacobs at magdrowing dito!”
Nagdrowing si Olivia ng isang magandang bahaghari. Sa loob ng kard ay isinulat niya, “Magpagaling po kayo agad! Nagmamahal, Olivia.”
Nang makarating si Olivia at ang kanyang pamilya sa bahay ni Sister Jacobs, kinumusta ni Inay si Sister Jacobs. Nagsimulang umiyak si Sister Jacobs.
“Nalaman ko ngayon lang na kailangan kong magpunta sa ospital bukas para operahan. Medyo natatakot ako.”
Iniabot ni Inay kay Sister Jacobs ang pie. Pagkatapos ay ibinigay ni Olivia ang kard na ginawa niya.
“Salamat, Olivia. Dahil sa magandang kard na ito at sa matamis mong ngiti ay mas gumanda ang pakiramdam ko.”
Dama ni Olivia na parang may yumayakap sa kanyang puso. Masaya siya na makatutulong siya kay Jesus sa pag-aalaga ng Kanyang mga tupa.