2010
Paghahangad at Pagtanggap ng Personal na Paghahayag
Abril 2010


Mensahe sa Visiting Teaching

Paghahangad at Pagtanggap ng Personal na Paghahayag

Ituro ang mga banal na kasulatan at siping-banggit na ito o isa pang alituntunin, kung kailangan, na magpapala sa mga miyembrong babae na inyong binibisita. Patotohanan ang doktrina. Ipabahagi sa mga binibisita ninyo ang kanilang nadama at natutuhan.

Paano Ako Maghahangad ng Personal na Paghahayag?

“Naghahanda tayong tumanggap ng personal na paghahayag na gaya ng mga propeta, sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan, pag-aayuno, pagdarasal, at pagpapalakas ng pananampalataya. Pananampalataya ang susi. Alalahanin ang paghahanda ni Joseph para sa Unang Pangitain:

“‘Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, humingi sa Dios. …

“‘Nguni’t humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan.’”1

Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol.

“Panalangin ang inyong personal na susi sa langit. Ang kandado ay nasa inyong panig ng tabing.

“Ngunit hindi lamang ito. Sa isang tao na nag-aakalang ang paghahayag ay dadaloy nang walang kahirap-hirap, sinabi ng Panginoon:

“‘Hindi mo naunawaan; inakala mo na aking ibibigay ito sa iyo, gayong wala kang inisip maliban sa ito ay itanong sa akin.

“‘Subalit, masdan, sinasabi ko sa iyo, na kailangan mong pag-aralan ito sa iyong isipan; pagkatapos kailangang itanong mo sa akin kung ito ay tama, at kung ito ay tama aking papapangyarihin na ang iyong dibdib ay mag-alab; samakatwid, madarama mo na ito ay tama.’”2

Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Paano Ako Makatatanggap ng Personal na Paghahayag?

“Sa mas pamilyar na mga uri nito, ang paghahayag o inspirasyon ay dumarating sa pamamagitan ng mga salita o ideyang naiisip natin (tingnan sa Enos 1:10; D at T 8:2–3), sa biglaang kaliwanagan (tingnan sa D at T 6:14–15), sa positibo o negatibong pakiramdam hinggil sa mungkahing mga hakbangin, o kaya’y sa nagbibigay-siglang pagtatanghal, tulad ng sa sining. Gaya ng sabi ni Pangulong Boyd K. Packer, … Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, ‘Ang inspirasyon ay dumarating bilang paramdam sa halip na tunog.’”3

Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol.

“Ang templo ay bahay ng pagkatuto. Karamihan sa tagubiling ibinibigay sa templo ay may simbolismo at natututuhan sa pamamagitan ng Espiritu. Ibig sabihin tinuturuan tayo mula sa langit. … Ang pag-unawa natin sa kahulugan ng mga ordenansa at tipan ay mag-iibayo kapag dadalasan natin ang pagbalik sa templo nang may pagnanais na matuto at magnilay-nilay sa itinuturong mga walang hanggang katotohanan. … Tamasahin natin ang espirituwal na lakas at paghahayag na natatanggap natin kapag regular tayong pumapasok sa templo.”4

Silvia H. Allred, unang tagapayo sa Relief Society general presidency.

Mga Tala

  1. “Personal na Paghahayag: Mga Turo at Halimbawa ng mga Propeta,” Liahona, Nob. 2007, 88.

  2. “Personal Revelation: The Gift, the Test, and the Promise,” Ensign, Nob. 1994, 59–60.

  3. “Walong Dahilan sa Paghahayag,” Liahona, Set. 2004, 8.

  4. “Mga Banal na Templo, mga Sagradong Tipan,” Liahona, Nob. 2008, 113, 114.

Paglalarawan ni Juan Pablo Aragón Armas